"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
Ang Gwapong Gago
Season 2
AiTenshi
July 10, 2020
Part 35
"Next week, naka set na yung vacation natin." ang wika ni Johan habang kumakain kami ng almusal. "Pero kung ako ang masusunod gusto ko na umalis ngayon week para matagal tayong naka bakasyon."
"Hindi pwede ngayon week. Tumawag yung boss ko at ako ang naka assign sa marketing company." ang sagot ko.
"Trabaho nanaman. Kailan mo ba ako ipapriority Aldrin? Napapansin ko atat na atat kang mag trabaho. Linggo pa lang apura na ang check mo sa website mo. Tapatin mo nga ako, may lalaki ka ba sa opisina?" iritableng tanong niya.
"Bakit mo naman naiisip yung ganyang bagay? Marami akong kailangan ipass na design kaya tinatapos ko agad yung trabaho dahil ayokong natatambakan. Akala ko nauunawaan mo na iyon?" tanong ko.
"Shhhh, ano ba iyan. Ang aga aga nag tatalo kayong dalawa. Hindi pa kayo ikinakasal pero usapin na agad tungkol sa trabaho ang tatalunan ninyo. Matuto kayong unawain ang sitwasyon ng bawat isa." ang pag pigil ng papa ni Johan. Umupo ito sa aming pagitan at sinabayan kaming kumain.
"Okay lang po pa. Susubukan ko nalang iadjust yung schedule ko para makacomply sa nais ni Johan para pwede na pala kaming lumabas." ang mahinahon kong tugon
"Dapat lang. Hindi yung tuwing hapon nakikita kitang katabi lagi yung lalaki mo sa parking lot." ang wika ni Johan maya maya ay napahinto ito ng pag sasalita at naging seryoso ang mukha. "Mababaliw siguro ako kapag nalaman kong may kabit ang asawa ko. Baka mapatay ko yung kabit. Silang dalawa, actually." ang wika nito dahilan para mapahinto kami sa pag nguya.
"Wala akong kabit, at hindi ko gagawin iyon. Huwag mo nga akong pikunin." ang sagot ko sa kanya dahilan para matawa ang papa niya "Wala sa itsura ni Aldrin ang gagawa ng kalokohan. Kung mayroong mag kakaroon ng kabit sa inyong dalawa malamang ay ikaw iyon anak."
"Ah basta sinasabi ko lang sa kanya na huwag siyang mag kakamali dahil malilintikan siya sa akin." sagot ni Johan sabay tingin sa akin. "Susunduin kita mamayang alas 5 ng hapon. Huwag kong makikita katabi mo yung lalaki mo." ang dagdag pa niya sabay punas ng bibig at tumayo sa hapag kainan.
Napakibit balikat nalang ako.
"Bakit ba nag kakaganon yung gago na iyon?" tanong ng papa niya
"Parating sumasabay sa akin yung ka team ko sa opisina pa. Parati niyang nakikita ito na kasama kong nag nakatambay sa parking area habang nag aabang ng sundo. Hindi ko naman po alam na seryoso siya sa pag seselos niya."