Ang Gwapong Gago Part 18

17.3K 574 37
                                    

Ang Gwapong Gago

AiTenshi

Fb: ai_tenshi@rocketmail.com

 

Chapter 18

 

 

 

Muling bumalik sa dating sigla ang aming relasyon ni Johan, ngayon ay mayroon na kaming pinang hahawakan sa isa’t isa kaya’t mas naging seryoso ito. Madalas ko na rin naririnig ang salitang "I love you" mula sa kanya kaya naman halos lumutang ako sa ika- pitong alapaap kapag magkasama kami.

Hindi ako makapaniwala na ang isang katulad niya ay mamahalin ang isang tulad ko kahit isa rin akong lalaki. Ang sabi naman niya sa akin ay "Hindi naman daw mahalaga kung pareho kami ng kasarian, ang mahalaga ay masaya kami sa aming ginagawa at wala kaming tinatapakang ibang tao".

Malaking pagbabago rin ang ipinamalas ni Johan pagdating sa kaniyang ama dahil ngayon ay tumutulong na ito sa gawaing negosyo at kahit papaano ay naipagmamalaki na rin siya nito. Pero kahit may mga araw abala ito sa kanilang negosyo ay hindi pa rin siya sumasablay na puntahan ako sa bahay o kaya ay sunduin sa paaralan. Doon ko napagtanto na lahat talaga ng tao ay may karapatang magbago  at ang kailangan lamang nila ay ang ating buong suporta.

Marahil ito rin ang nais ipahiwatig ng matandang puno na nakita ko noon sa Bacalod. Mula sa pagiging sira at marupok ng kaniyang mga sanga dahil sa katandaan ay nagagawa pa rin nitong pagsibulin ang mga bagong dahon sa kaniyang katawan at dahil iyon sa suportang ibinibigay ng araw at ng kalikasan.

Isang hapon, inaya ko si Johan upang dumalo sa isang Christian Seminar na gaganapin sa bahay ng aking malapit na kaibigan. Siyempre ay hindi ko ipinaalam sa kaniya na doon kami pupunta upang hindi ito maging kill joy. Naisip ko lamang kasi na baka hindi pa nababasbasan ng prisensya ng Diyos ito kaya’t panahon na upang siya ay magbalik loob sa ating lumikha. Seryoso ako sa aking iniisip kaya naman agad ko itong inaya sa lugar na pagdarausan ng prayer meeting. "Saan ba tayo pupunta at parang excited ka diyan?" ang tanong nito habang nag d-dirve ng sasakyan. "Basta, doon sa bahay ng kaibigan ko mayroon kasing munting selebrasyon doon".

"Oh bakit wala ka man lang dalang regalo?"

"Hindi na kailangan. Basta bilisan na lang natin para hindi tayo malate ng dating," pagaapura ko naman.

5:30 noong marating namin ang naturang bahay ng aking kaibigan at mabuti na lamang dahil hindi pa nagsisimula ito. Sa gate pa lamang ay sinalubong na kami ng mga miyembro. "Maligayang pagdating sa inyo mga brothers, umupo na tayo upang makapag simula na".

"Teka, ano ba to??" tanong ni Johan habang umuupo na sa monoblock na silya. "Basta, Relax ka lang okay?" ang tugon ko naman at ilang sandali pa ay nagsimula na nga ang pagdiriwang.

"Teka, ano ba ‘to? Misa ba ito? Bakit may Pari? Saan mo ba ako dinala? Kulto ka ba?!" ang naiinis na bulong ni Johan sa akin.

"Hindi no? basta makinig ka na lang para malagyan naman ng guhit yang ispiritwal na aspeto ng buhay mo." sagot ko naman sabay ngiti sa kanya.

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon