"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAUNAWA:
Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.
Ang Gwapong Gago
Season 2
AiTenshi
July 16, 2020
Part 45
"Hindi ka dapat nag titiwala sa mga lalaking hindi mo lubos na kakilala, paano kung bigla kang nirape non sa gitna ng sementeryo? May nabasa kong ganyan, dinala yung babae sa sementeryo at doon sila nag paligaya." ang wika ni Raul habang abala ito sa pag kain.
"Hindi naman ganoon si Clifford, gusto lang niyang ipakita yung puntod ni Gian, yung nag donor ng mata ko." ang sagot ko naman.
Araw ng Biyernes, nag yaya si Dante para kumain sa aming tambayan, dito ay dumating si Greg at si Raul, dumating rin si Julian pero wala si Shan Dave dahil nasa shop daw ito kasama si Johan. Ako naman ay naka upo lang at tinatapos ang aking layout sa harap ng laptop. "Workaholic ka pala talaga, isa yan sa reklamo ni Johan alam mo ba yon?" ang hirit pa ni Raul
"Ito ang way ko para maka escape sa masalimuot na reyalidad na dulot ni Johan sa buhay ko." ang sagot ko naman.
"So ang ending ay hindi pa rin maka move on itong Clifford kay Gian, at dahil nasa iyo ang mata nitong si Gian ay ikaw naman ang naging star ng pasko ni Clifford? Tama ba?" tanong ni Dante
"Inamin niya sa akin iyon pero hindi naman ako mapag patol na tao. Maniwala kayo, walang kahit ano sa pagitan namin ni Clifford." ang depensa ko.
"Tama iyan, huwag papatol doon dahil maliit ang titi non at di ka mapapaligaya ng husto." ang naka ngising wika ni Raul kaya naman kinatukan siya ni Greg.
"At tingnan niyo itong IG story ni Johan may mga cryptic messages." ang wika ni Julian sabay scan ng mga ito.
"Ano nanaman iyan?" tanong ko kaya naman binasa ni Dante ang mga naka lagay sa IG ni Johan.
"Nobody can judge me.. I know your little dirty secrets to well."
"Becareful who you go to bed with.."
"Don't worry.."
"I'm only.."
"the Ex."
"Become my Client. Friend."
"Ano naman iyan?" tanong ko naman habang binabasa ang mga salitang lumalabas dito.