Ang Gwapong Gago Part 16

15.6K 629 97
                                    

Ang Gwapong Gago

AiTenshi

 

Chapter 16

Ibayong sakit ang namayani sa aking pagkatao noong tinatahak ko ang daan palabas ng kanilang compound. Nakakalungkot lamang na isipin hindi na siya ang Johan na aking kakilala at tila mas lumala pa ang kaniyang kalokohan kaysa dati. Para siyang isang pokemon na nag evolve o kaya ay isang character sa online games na nag level- up.

Johan Escaler version 2.0.

Mas pinaloko, mas pinalala, mas pinagago at mas ginawang tarantado ang kaniyang sarili. Dinaig pa niya ang application ng android phone kung mag update ng kaniyang sarili.

Habang nasa ganoong pag iisip, natagpuan ko na lamang ang aking sariling nakatayo sa isang tulay na nag durugtong sa compound at sa panibagong barangay. Halos hindi ko namamalayan na nakarating na pala ako sa boundary kung saan matatagpuan ang pinaka tahimik at mapayapang parte sa buong lugar. At dahil nga sa matinding pagod ay nag pasya muna akong manatili sa gilid nito habang pinag mamasdan ko ang ilog na dumadaloy kung saan man. Tahimik ang paligid, wala akong marinig kundi ang lagaslas ng tubig na nag mumula sa ilog kaya naman tila isang magandang musika ito sa aking pandinig at hindi katulad doon sa compound na balot ng ingay at polusyon.

Bukod pa roon ay hindi ko rin maiwaglit sa aking isipan ang itsura ni Johan. Pumayat ito at mukhang hindi na natutulog. Ang kaniyang mukha ay balot ng pasa at bandaid. May kakaibang amoy din ang katawan nito na parang pinag halong pawis at sigarilyo. Nakakahabag ang kaniyang anyo ngunit pinili niya ito at wala na akong magagawa tungkol doon. Kaya naman paguwi ko mamaya sa bahay ay agad kong tatawagan ang kaniyang ama at sasabihing bigo akong pauwiin ito. Total naman, mukhang sa tingin ko ay enjoy na enjoy siya sa kaniyang buhay doon. Nakakabira siya ng mga babae kahit kailan niya naisin at isa pa ay nagagawa niyang mas magilas ang mga kagaguhan niya kapag nandoon siya sa lugar na iyon.

Ito ang mga nabuong desisyon sa aking isipan. Siguro ay panahon na rin upang palayain ko ang aking sarili sa lahat ng sakit na dinulot sa akin ni Johan. Wala na itong pag-asa kaya naman bukas na ang aking puso at isipan upang tanggapin ang bagay na iyon.

Nakakalungkot man, ngunit ito ang nararapat.

Tahimik ulit.

"Bakit ka umalis?" boses ng lalaki sa aking likuran at alam kong si Johan iyon.

Humarap ako sa kaniya at hindi nga ako nagkamali, si Johan Escaler nga ito suot ang itim na sando at pantalong kupas. "Ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?"

"Sinundan kita".

"Bakit? Tapos ka na bang makipag sex sa babaeng iyon? Sorry kung naka istorbo ako".

"Bakit mo ako pinuntahan doon? ha?"

"Dahil nakiusap ang iyong ama na  kung maaari ay kumbinsihin kita na umuwi na. Ngunit sa itsura mong iyan ay bakas na bakas ang matinding kaligayahan sa iyong mukha kaya naman nagdesisyon ako na sabihin na lang sa papa mo na ayaw mo nang umuwi sa inyong tahanan,"ang sabi ko at muli akong lumakad palayo sa kanyan. "Sige mauna na ako ‘tol. Goodluck na lamang sa iyo".

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon