Ang Gwapong Gago Part 15

14.6K 597 24
                                    

Ang Gwapong Gago

AiTenshi

 

Chapter 15

Matapos akong kausapin ng ama ni Johan tungkol sa kaniyang pabor, halos buong magdamag akong gising dahil pilit kong iniisip kung paano ko haharapin ang taong nagbigay ng ibayong sakit sa aking pagkatao. Ibang klase naman kasi ‘tong si Johan kung kailan nanahimik na ako saka pa gagawa ng eksena at idadamay pa ang tatay niya sa kaniyang kalokohan.

Kinabukasan, lihim akong nakipagkita kay Nestor upang makibalita sa anghel niyang kaibigan na si Johan. At napagalaman ko nga na doon na raw ulit ito nakatira sa kanilang compound. "Oo tol, halos dalawang linggo na rin siyang naghahasik ng lagim dito sa barangay. Katulad noong isang araw napaaway iyan dahil nambalibag ng bote doon sa basketball court kaya hayon kinuyog siya ng mga tambay at halos patayin na ito sa bugbog. Mabuti na lamang dahil umawat ang mga barangay tanod kaya’t naisalba siya. At may pagkakataon pa na halos umuuwi ito ng lasing at wala na sa sarili. Nag papagamit din ito ng katawan sa mga bading o matrona para lamang may pambili siya ng luho niya. Sinubukan ko siyang pigilin at pagsabihan ngunit nagalit ito sa akin. Sa tingin ko ay mas lumala pa ito kaysa dati," salaysalay ni Nestor

"Teka, nasaan ba si Johan ngayon at paano ko siya makaka- usap?" tanong ko lang.

"Ang totoo noon tol, tatlong araw nang ‘di umuuwi si pareng Johan sa bahay. Ang balita ko ay doon na siya lumipat sa paupahang apartment ng kabarkada niya doon sa kabilang compound. Ngunit kung pupuntahan mo siya ay magingat ka dahil pugad ng mga drug adik iyon at mga halang ang bituka," paalala ni Nestor.

Kinuha ko na lamang ang address ng tinitirhan ni Johan sa kabilang compound at nagpasyang ipagpabukas na lamang ang aking gagawing paglakad. Kailangan ko munang pag- isipan kung paano ko ba haharapin ang sira- ulong lalaking iyon at kung paano ko ito kukumbinsihin na bumalik na sa kanilang bahay. At bago tuluyang umalis ay nagpasalamat ako kay Nestor at nangakong ibabalik si Johan sa dati nitong katinuan.

Kinagabihan, agad akong tumawag sa papa ni Johan upang ireport ang pangyayari tungkol sa kaniyang mala anghel na anak. Hindi ito makapaniwala na ang kaniyang anak ay tinubuan na ng maraming sungay at wala nang mapaglagyan nito sa kaniyang ulo. Ngunit sa kabila ng lahat ay binalot din ako ng matinding pagaalala sa kalagayan nito. Kahit naman kasi sira-ulo ito at walang ginawang maganda sa paligid niya ay hindi ko pa rin maipagkakaila na si Johan Escaler ang taong nagpasaya sa akin kahit na sa sandaling panahon lamang ito.

Noong gabing iyon ay hindi naman ako mapakali dahil maraming bumabagabag sa aking isipan. Hindi ko maipagkaila sa aking sarili nagaalala ako kay Johan. Ewan, natatakot lamang ako na baka tuluyan na itong mapahamak dahil sa kaniyang kautuan. O kaya naman ay mapagtripan ito at patayin na lamang ERASE! ERASE! Huwag naman ‘yong mapatay kahit ospital na lang o makulong ay ayos lang sa akin basta huwag lang na tigok dahil paniguradong iiyak talaga ako ng todo pag nangyari iyon. "Arrgghhh bakit ba naman kasi sa dinami- rami ng tao dito sa mundo ay sa isang patapon pa ako nahulog. Kaya ayan pati ako ay nag- iisip kung paano ito patitinuin. Nasaan ba kasi ang maldita slash bruhang Elise na iyan!? Tungkulin niyang iayos ang kasintahan niya at sa mga panahong ito ay wala na dapat akong kinalaman dito!!!" pagmamaktol ko sa aking sarili habang nakatitig sa kisame.

Sinubukan ko ring tawagan ito sa dati niyang numero ngunit out of coverage area na ito at mukhang hindi na rin ginagamit. Kaya naman pagsapit ng bagong araw, wala akong ibang pamimilian kundi puntahan ito sa kuta ng mga drug adik doon sa ikalawang compound sa kanilang barangay.

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon