AGG S2 Part 48

3.3K 255 25
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

Ang Gwapong Gago

Season 2

AiTenshi

Part 48

Napahinto sa pag babasa si Mr. Escaler at nagulat itong mapatingin sa akin. "Hijo, ikaw pala iyan, anong sadya mo dito?" tanong nito.

"Pa, gusto kong makilala ang taong nag donor mga mata ko." ang direksyo kong sagot habang nakatingin ng tuwid sa kanyang mga mata.

"Hijo maupo ka muna. Kumain ka na ba? Bakit naman nag kainteres ka bigla na malaman kung sino ang donor ng mga mata mo? Confidential ang bagay na ito hindi maaaring basta basta pag usapan."

"Dahil naguguluhan ako." ang wika ko at dito ay hindi ko na napigil ang aking emosyon.

"Teka may nangyari ba? Anong kagaguhan nanaman ang ginawa sa iyo ni Johan?" tanong ng kanyang ama.

"Wala po, may nangyari lang sa akin nito mga nakakaraang araw, ito ang sanhi kung bakit ako naguguluhan ngayon."

"Hijo, maaari mong sabihin sa akin ang lahat, pakikinggan kita bilang isang legal na taga payo ng probinsiyang ito. Ano ba iyon?" tanong niya.

Dito ay hindi na ako nag dalawang isip na ikwento kay Mr. Escaler ang lahat. Mula sa unang araw na nag kakilala kami ni Clifford at sa mga sinabi nito sa akin tungkol sa taong naging donor ng aking mata. Ang lahat ng kwentong iyon ay pinaniwalaan ko hanggang sa nag exert na ako ng effort at emosyon at bawat pang yayari na kanyang isinasalaysay. "At kanina ay nakita ko si Gian, buhay at maayos ang kalagayan. Ang kanyang tunay na pangalan ay Billy na isang nurse sa bansang Dubai, nandito lamang ito nag babakasyon kasama ng kanyang girlfriend. Dito ko napag tanto na ang lahat ay imbentong kwento lamang ni Clifford, pero madali akong napaniwala dahil kilala niya kayo, alam rin niya ang eksaktong petsa at ospital kung saan ako inoperhan noon. Ang mga kaganapan ay tagpi tagpi niyang naisalaysay sa akin, walang labis, walang kulang at wala ring butas. Para siyang isang mahusay na mag sasalaysay na nakapag mamanipula ng emosyon at damdamin ng tao. Hindi ko na nagawang iconfirm sa inyo ang tungkol dito dahil ang lahat ay malinaw pa sa sikat ng araw niyang naihayag."

"Base sa kwento mo, malamang ay maniwala rin ako. Noong araw na nabulag ka ay totoo ngang nag hanap kami ng donor sa iba't ibang ospital ngunit nabigo kami. Hanggang mayroong nakapag tip sa amin na mayroon isang tao sa probinsya na aksidenteng namatay dahil hit and run ito ng rumaragasang sasakyan. Agad namin itong pinuntahan ay kinausap ang kanyang pamilya."

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon