Ang Gwapong Gago Part 1

60.2K 1.1K 158
                                    

Kulay ng Tag-Sibol

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po”.

Ang Gwapong Gago

AiTenshi

January 1, 2015

Fb: ai_tenshi@rocketmail.com

 

Chapter 1

 

 

"BOSS NAMAN! Pakawalan mo na ako dito. Tsk! Pambihira naman, nagsisisi na nga ‘yong tao eh. Pangako ko na kapag nakalabas ako dito ay magbabagong buhay na ‘ko. Sumpa ko yan bossing PEKSMAN!!"

"Ano ka ba Escaler? Hindi na kita maaaring pakawalan ngayon. Baka nakakalimutan mo na pang limang pagkakakulong mo na iyan dito. Paulit- ulit na lamang ang sinasabi mo. Hindi kana maaaring lumabas pa diyan sa rehas. Pwera na lang kung hindi itutuloy ng taong ninakawan mo ang kanyang demanda laban sa iyo."

"Pambihira naman iyan chief, paskong- pasko ikinukulong niyo ako? Nasaan ang diwa ng pagbibigayan at pagmamahalan? Wala na! Naku… masamang pangitain yan mga dude, magagalit si BRO!"

"Mas gagalit si sarhento kapag hindi ka tumigil ng kakasalita diyan Escaler. Mamaya lamang ay malalaman natin kung makakalaya ka o hindi".

"Shet naman oh! Bakit mamaya pa? Pakawalan niyo na ako dito. May sakit ang tatay ko at mamamatay na siya kaya ko lang nagawa iyon. Sige! Kayo din, kapag natuluyan ang tatay ko ipapa multo ko kayong lahat. Pramis yan!!!".

Iyan ang pagrereklamo ni Johan Escaler matapos siyang dakpin ng mga pulis dahil sa salang pag snatch ng bag at cellphone ko. Ewan, napaka bilis ng pangyayari dahil naglalakad lamang ako sa gilid ng kalsada ng biglang may humablot ng cellphone at bag ko. Mabuti na lamang ay may CCTV camera sa mga poste kaya naman agad na nasundan ng mga pulis ang kinaroroonan ng lokong snatcher na ito. At ayon pa sa mga otoridad, kilala na daw nila ang lalaking ito dahil madalas ay labas masok ito sa kanilang kulungan, nakakalaya lamang daw ito dahil may naaawa at nagpipiyansan sa kanya.

Paulit- ulit lamang daw ang eksena, huhulihin nila ito at ikukulong ng mga ilang oras at pagkalipas naman ng ilang sandali ay may darating upang piyansahan ito. Sa lahat daw kasi ng mga "GAGONG" snatcher at pasaway dito sa kanilang lugar, hindi maipagkakaila na si Johan Escaler ang pinaka "GWAPO" kaya naman hindi na raw nakapagtataka na isasalba ito.

Kung sa bagay ay totoo naman dahil habang pinagmamasdan ko itong nakatayo sa loob ng kulungan ay talagang umaangat ang kanyang kagwapuhan. Maputi ang balat, matangos ang ilong, mapula ang labi at magaganda ang mga mata. Ang buhok ay magulo ngunit bagay na bagay sa kanyang itsura. May taas na 5’11 at sa tantiya ko ay 21 taong gulang na ito. Ang katawan ay mistulang nililok sa perpektong pag kakagawa, bilugan ang braso, matambok ang dibdib, payat at walang kataba- taba ang tiyan. Naka suot ito ng lumang sando at sira- sirang pantalon na tinernuhan ang maduming sapatos. "WHEW" daig pa niya ang artista sa telebisyon. Ito marahil ang dahilan kaya binansagan itong "Gwapong Gago".

Ang Gwapong GagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon