Secret revealed

2.2K 83 0
                                    

Walang sikretong hindi nabubuko.

-------------------------------------------------

Chapter 22

Saphie's POV

Waaahhh! Ano ba sagot dito? Kung kailan last subject at last number na toh tsaka pa ko na-mental block. Eto pa naman yung hindi ko natapos aralin kagabi!

"Tss. Utak naman, mag-isip ka nga. Gusto mo bang ibenta kita? Slightly used eh."

Bulong ko sa sarili ko habang tina-tapp ko ang ballpen ko sa test paper at yung isa ko namang kamay naka-hawak sa ulo ko.

Teka, No. 95, letter A ang sagot. Tapos B, C, at D. Tapos A ulit...eh ano tong No. 100?

"Finish or not finish past your paper to your right. Then, please past it in front."

Waaahhh! Anong isasagot ko? Shocks! Letter B na nga lang!

Pinasa ko na agad kay Daniele ang papel ko. Myghad! Pag ako naging teacher hinding-hindi ko papahirapan ng ganon ang mga estudyante ko. Isinusumpa ko!

Napatingin ako sa right side ko. May sinusulat pa rin si Daniele.

"Uy! Pasa mo na!"

Bulong ko kay Daniele.

"Oo. Eto na."

Tapos pinasa na niya kay Sebastian.

"Nag-aral ka ba ha? Pinasa mo ba? Naku, wag kang babagsak! Patay tayo kay Daddy!"

Bulong ko ulit sa kanya pero binatukan niya lang ako.

"Aray ko naman!"

"Anong tingin mo sakin? Walang utak? Kahit labag sa loob ko, nag-review ako ng hindi kinukuha yung answer sheet o yung copy ng exam. Okay?"

Napa-nod na lang ako. Sabi ko nga eh.

"Okay. Listen class. Sabihin niyo sakin pag hindi natawag ang pangalan niyo, okay? Mia Cruz, Carl Lapaz.."

Nagsimula ng magtawag ng pangalan si Ma'am. Nakinig na lang ako.

"Emily Sofie D. Rodriguez, Prince Andrew C. Monancillo, Sandara Angel Phia E. De Guzman, Daniele R. De Guzman, Sebastian James D. Rodriguez, Ryan J. Mandenga, and..I think that's all. May hindi ba natawag?"

Napa-isip ako. Parang wala naman akong narinig na 'Elenda' pero narinig ko yung pangalan ko. O guni-guni ko lang yun.

"Ma'am!"

Sabi ko sabay taas ng kamay ko.

"Yes, Saphie? Nandito na ang test paper mo."

"Uhmm..Ma'am, pwede po paki-double check? Parang hindi ko po narinig yung apelido ko."

"Pfft."

Hindi ko na pinansin ang pagpipigil ni Daniele ng tawa niya.

"It's here. Sandara Angel Phia E. De Guzman, right?"

"Yes Ma- teka, ano po?"

"Sandara Angel Phia E. De Guzman. Wait, bakit De Guzman?"

"Hahahaha!"

Napatingin ako sa Gang lalong-lalo na sa katabi ko. I knew it! Yun siguro yung sinusulat niya kanina. Baka nakalimutan kong lagyan ng pangalan ang test paper ko.

"Sensya na Ma'am! Excited lang po kasi ang girlfriend ko na makuha ang apelido ko kaya ngayon pa lang, pinagpa-practice-an niya ng gamitin yun."

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon