Pocket Watch

2.7K 79 2
                                    

Yung pocket watch po yung parang nakikita niyo sa mga butler ng mga princess at prince sa mga Disney movies. Basta! Di ko ma-explain eh! Tanong niyo na lang kay Pareng Google.

-------------------------------------------------

Chapter 24

Saphie's POV

"Bye, Dad."

Niyakap ko ng mahigpit si Dad. Pagkagaling sa sementeryo ay agad na kaming pumunta dito sa airport. Ngayon na ang flight nila papuntang U.S.

"Don't say goodbye. We'll still meet each other again, okay? Take care, My Angel. I love you."

Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap sakin ni Dad.

"I love you too, Dad. Ingat po kayo dun ha?"

Kumalas na ko sa pagkakayakap ko sa kanya at nakita ko ang mata niya na parang naluluha na.

"Naiiyak ka ba, Dad?"

Natatawang tanong ko sa kanya.

"It's gay but yes. Ngayon lang ako malalayo sayo, My Angel."

"Don't worry Dad. I'll be fine."

Biglang lumapit samin si Kuya. Kinausap niya kasi si Daniele. Hindi ko nga lang alam kung anong pinag-usapan nila. Yap. Kasama namin siya ngayon. Nag-resign na kasi si Kuya Raul. Tapos siya na ang nagprisinta na maghahatid at sundo daw sakin. Baliw talaga.

"Dad, we need to go. Tinatawag na tayo."

Muli akong niyakap ni Dad pagkatapos ay si Kuya naman ang yumakap sakin.

"Take care. Magsasabi ka pag may ginawa sayo ang fake boyfriend mo ha?"

Bulong niya sakin habang magkayakap kami.

"Siyempre naman, Kuya."

Bulong ko din bago ako kumalas sa yakap niya. Nagpaalam na kami sa isa't isa bago sila tuluyang pumasok sa loob.

"Mami-miss ko kayo. Don't worry about me. I'll be fine. Take care and always remember that I love you!"

Sigaw ko habang naka-taas pa ang mga kamay ko. Nag-wave lang sila sakin hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Mami-miss ko sila.

"Mag-ama nga talaga yun."

Bigla akong napatingin kay Daniele. Tinaas ko ang kilay ko na parang nagtatanong kung anong pinagsasasabi niya.

"Pareho nila akong pinagbantaan na hindi nila alam ang magagawa nila sakin pag may nangyari sayo. Lalo na yung Kuya mo."

Natawa lang ako. Alam na ni Daniele na alam na ni Kuya kung ano ba talaga kami at nakapag-usap na rin sila. One-on-one pa nga eh.

"Let's go. May pupuntahan pa tayo."

"Ha?"

Bumuntong-hininga siya.

"Nagi-guilty kasi ako sa pananakot ko sayo nung Friday kaya babawi ako. At sa ngayon, ako si Teacher Love at ipapakita ko sayo ngayon ang pinaka-unforgettable first date ever."

Minsan, hindi ko alam kung si Daniele pa ba na mayabang, pala-asar at mayabang ulit ang kaharap ko. Parang nag-iiba eh. Nagiging mabait? Pwede pala yun? Sana lagi na lang ganun para masaya.

"Ano? Game?"

Pinakita niya sakin ang kamay niya. Pinatong ko dun yung isa kong kamay kaya holding hands na kami ngayon. Parang may naramdaman ako sa bandang dibdib ko nung ginawa ko yun pero di ko na pinansin.

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon