Step 1- ipaalam ang rason mo.
Step 2- ngayon pa lang malalaman. Haha!
------------------------------------------------
Chapter 21
Saphie's POV
Uwian!
Love it! Kaliwa't kanan kasi ang ginagawang pagre-review samin ng mga teachers. Yung utak ko malapit na atang sumabog.
"Emily, pano ba toh?"
Pero at least, okay na sila Emily at Andrew. Bakit ganun? Parang bigla silang naging close after ng nangyari kahapon.
"Ahh. Ganto yan. Wait lang. Kuha lang ako ng paper."
Sagot sa kanya ni Emily. Nandito kasi kami sa may room. Uwian na pero eto kami at nag-aaral pa. Oh diba? Mabuting estudyante? Ha-ha!
"Hoy! Isip mo lutang na naman! Tuturuan mo ba ako dito o ano?"
Psh. Okay sige. Nandito kami sa room dahil nautusan kami ng teacher namin na turuan sila Andrew at Daniele. Bagsak kasi sa quiz kaya iri-retake nila. Daya kaya nun!
"Opo. Eto na nga po eh."
Math pa naman tong pinapaturo. Kainis! Buti na lang medyo gets ko pa toh.
"O ayan na po. Gets niyo na po ba?"
Sabi ko kay kamahalan matapos kong ipakita sa kanya kung paano ko nasagutan yung example.
"Tss. Wala kang kwentang teacher! Ayusan mo nga!"
Aba! Epal toh ah!
"Ako pa talaga ha?! Hiyang-hiya naman ako sa 5/45 mong sco-asdfghjkl."
Arrgghh! Marahas kong inalis yung kamay niya sa bibig ko. Epal talaga!
"Pwede bang manahimik ka ha?!"
"Eh kayo? Pwede bang manahimik kayo? Pre, nag-aaral kami dito oh. Tahimik naman."
Edi natahimik siya! Salamat Andrew!
"Psh. Kung di lang toh fiance ng kapatid ng kaibigan ko, sasapakin ko toh eh."
Narinig kong bulong ni Daniele pero mukhang di naman narinig nila Emily.
"Sshh. Alam mo namang ayaw nila na naririnig na mag-fiance sila diba?"
Pabulong kong saway kay Daniele. Ang ingay kasi! Alam naman niyang ayaw nung dalawa yun eh.
"Opo Ma'am. Pwede niyo na ba akong turuan ulit nang maka-uwi na?"
I rolled my eyes tsaka ko pinakita ulit sa kanya kung paano. Hay naku. Dapat kasi teacher nagawa nito eh! Late pa tuloy akong makaka-uwi.
"Myghad! May pogi sa labas!"
"With a capital O-M-G! Magpo-propose na ata sakin yun! Bilisan na natin!"
"Hindi sayo noh! Kay Miss Sharmaine! Kaya tara na!"
"Waahh! Kilig much!"
Dinig naming bulungan ng mga babaitang dumaan sa may hallway. Akalain mo yun? Hanggang dito sa loob ng room dinig namin yung hiyawan nila.
"Daniele!"
"Sebastian! Anong nangyare sa inyo?"
Hingal na hingal kasi si Sebastian at Ryan. San galing toh?
"You have to see this!"
"Ang alin na naman ba Sebastian? Kita mong nag-aaral eh."
BINABASA MO ANG
Ms. Disaster and Mr. Troublemaker
Teen FictionKapag ang isang babae na puro disaster ang dala at ang isang lalake na puro gulo lang ang alam nagsama, ano kaya ang mangyayari? Ano pa? Edi isang malaking kaguluhan! Pero paano kung ang isa sa kanila ay mainlove sa isa? Hindi ba mas magulo yun? Ano...
