Cooking Lesson

2.3K 88 0
                                    

Hmm?

--------------------------------------------------

Chapter 28

Daniele's POV

Medyo okay na ko. Yun nga lang siyempre, medyo masama pa rin ang pakiramdam ko. Pero kaya na. Tumayo na ko.

"Ang linis?"

Lumabas ako ng kwarto ko. Ang linis din. Napangiti ako. Lumapit ako sa kanya tsaka lumuhod sa harap niya. Naka-side view siya sa left niya kaya nakatalikod siya sakin.

"Ang kulit mo din eh noh? Sa pagkaka-alala ko, pinauwi na kita kagabi. Pero thanks.."

Ngayon lang ulit may nag-alaga sakin na babae. Minsan lang naman kasi akong magkasakit at madalas sila Sebastian ang nag-aalaga sakin. Sanay akong mag-isa.

"Hmm.."

Bigla na lang siyang tumihaya mula sa side view niyang pwesto kaya nalaglag siya sa couch. Buti na lang ay nasalo ko siya.

"Tss. Hindi ka pa gising, disaster ka na agad."

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Tulog-mantika pala toh eh.

"Hmm?"

Unti-unti niyang minulat ang mata niya. Bigla akong natawa. Ang epic ng reaksyon niya nang makita niya ko. Agad siyang umalis sa pagkakahawak ko at naupo sa lapag.

"S-sorry. Kanina ka pa ba diyan?"

Kinusot-kusot niya pa ang mga mata niya. Umiling ako kahit nakatalikod siya sakin.

"Hindi naman. Wala naman akong nakita kundi yung tulo-laway mo."

"What?!"

Ha-ha! Muntik na kong mawalan ng hininga sa kakatawa. Ang epic talaga! Yung itsura niya...grabe!

"Nakakainis ka. Alam mo yun?"

Iritado niyang sabi pagkatayo niya.

"Okay, okay sige."

Tinaas ko ang kamay ko at inabot naman niya yun para itayo ako.

"Alam kong masamang mag-isip ng masama sa kapwa pero sana lagi ka na lang may sakit. Ang bait mo kasi kapag may sakit ka eh."

Pa-sarcastic niyang sabi. Natawa ako ng kaunti.

"Sorry and..thanks nga pala. For cleaning my unit and...for taking good care of me."

Napa-yuko siya. Nahiya ata. Ha-ha! Pumunta ako sa likod niya tsaka ko siya tinulak.

"Sige na. Bumalik ka na sa unit mo. Papasok pa tayo sa school at ayaw kong ma-late."

"Shocks! Oo nga pala! May pasok pa!"

Bigla siyang tumakbo kaya ayun..nadulas.

"Ha-ha! Ayan kasi! Takbo pa ha?"

Pang-aasar ko sa kanya pero tinignan lang niya ako ng masama.

"Tss. Bahala ka nga diyan!"

Lumabas na siya at iniwan akong naka-ngiti. Siya lang ata ang nakapag-pangiti sakin ng ganito na sobrang effortless. Narinig ko ang ring tone ng phone ko at agad ko yung kinuha.

|Where are you? Why did you skip all your classes yesterday?|

Si Mama pala.

"I don't skip my classes Ma. Um-absent ako."

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon