So ano Saphie? Is it a yes or a no?
----------------------------------------------------
Chapter 7
Saphie's POV
"Sus. At bakit ngayon lang kayo? Iba na ba talaga ang ikot ng mundo? Babae na ang naghihintay sa lalaki?"
Mataray kong sabi nang dumating na ang Gang. Pano naman kasi, 3:00 p.m. na eh 2:00 p.m. ang usapan. Kanina pa ko ditong quarter to two!
"Sorry naman. Traffic eh."
Pagdadahilan ni Sebastian.
"Ooppss. Bakit? Sa'yo toh? Sa'yo?"
Sabi ko sabay hila palapit sa'kin nung cappuccino.
"Damot naman nito."
"Fine. Sa'yo talaga yan."
Umorder na kasi ako habang wala sila. Nasa Starbucks nga pala kami ngayon.
"So why are you late? I need an explanation."
Mataray kong sabi habang naka-cross arms pa.
"Okay fine. Si Sebastian nag lunch with his family, ako may pinuntahan saglit at si Daniele...kakagising lang."
Paliwanag ni Ryan.
"Seriously?"
Sabi ko sabay tingin sa mukha ni Daniele. Kita na nga yung eye-bags niya.
"Oo kaya pwede ba? Kung anoman ang sasabihin mo, make it quick."
"Teka, kasama ba si Emily sa lunch niyo?"
tanong ko naman kay Sebastian.
"Of course."
"Diba sabi ko 'make it quick'? Pwede bang wag na kayong magkwentuhan?"
Mukhang masama nga ang gising ni Daniele. Pero hello? Good afternoon na kaya tapos ngayon lang siya gigising!
"Fine. I agree."
Nanlaki ang mga mata niya.
"Talaga?"
"Yap. Unless, hindi papayag si Sebastian sa napagusapan."
Sabi ko sabay tingin kay Sebastian. Nakita ko namang medyo nagtataka rin si Daniele habang si Ryan tahimik lang na nakikinig sa'min.
"I agree."
"Agree to what?"
"Hindi mo na kailangang malaman Daniele. It's just between us. So, to make it final, please sign these papers."
Sabi ko at inilabas na ang isang folder mula sa bag ko. Tinignan yun ng Gang.
Certification of Agreement
I, Sandara Angel Phia I. Elenda, together with The Gang, Daniele R. De Guzman, Sebastian James D. Rodriguez and Ryan J. Mandenga, agree to the terms and conditions of this contract. Wherein, for the school year 2013-2014, I, Ms. Elenda, will be Mr. De Guzman's fake girlfriend.
This deal will be effective tomorrow.
Ms. Elenda's signature
Mr. Rodriguez's signature
Mr. De Guzman's signature
"Bakit kailangan pa ng signature ni Sebastian?"
Nagtatakang tanong ni Daniele.
"Kasi nga may deal kami. Hindi naman ako papayag na gamitin mo 'ko sa paghihiganti mo tapos wala akong makukuha. At wag mo na ring tanungin kung ano yun dahil once na malaman ng iba...end of the deal."
Sabi ko. Pumirma na si Sebastian kaya pumirma na rin ako. Napansin kong tinititigan lang yun ni Daniele.
"Oh. 'Wag mo sabihing ayaw mo?"
"Teka. Pinag-iisipan ko pa."
Aba! Tong lalaking toh! Diba dapat ako ang nagsasabi niyan? Parang pinapalabas niya pa na ako ang may utang na loob sa kanya ah!
"Fine! Edi wag!"
Paalis na sana ako nang bigla akong hilahin pabalik ni Ryan. Nakita ko namang binatukan ni Sebastian si Daniele.
"Aray ko naman!"
"Pwede bang wag ka ng pa-VIP? Hindi mo alam kung paano ko tiniis na lunukin ang pride kong ubod ng laki para lang dito tapos ikaw pang magiinarte?"
Inis na sabi sa kanya ni Sebastian.
"Eto na nga po. Hindi na kayo mabiro."
Pinirmahan na rin ni Daniele ang kontrata. After nun umalis na rin sila. Nauna si Daniele tapos sumunod si Ryan hanggang si Sebastian na lang ang natira.
"Sige, Saphie, una na ko ha?"
"Sige."
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa paglabas niya. Nakita kong nakasalubong niya si Emily kaya automatic na napayuko si Emily. Hinawakan ni Sebastian si Emily sa balikat kaya gulat itong napatingin kay Sebastian. Parang may sinabi si Sebastian pero hindi ko na narinig dahil malayo rin ako sa glass door. Maya-maya lang, nakikita ko na si Emily na patakbong lumalapit sa akin.
"Oh my gosh. I can't believe this is happening."
Bungad niya sakin. Natawa na kang ako kasi sobrang laki talaga ng mata niya.
"It's just a start. I can feel na magiging Kuya na talaga siya sayo."
Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Paano mo naman yan nasabi? Teka, may kinalaman ka dito noh?"
"Wala ah. Kinausap ko lang siya. Siguro na-realize niya na its time para bumawi siya sayo."
Nakangiti kong sabi sa kanya. Sorry, Emily. Di ko pwedeng sabihin sa'yo eh. I'm sure masasaktan ka lang. Masasaktan ka lang na kaya magiging kuya sayo si Sebastian ay dahil sa deal namin na ginawa niya para kay Daniele. Masasaktan ka lang kapag nalaman mong napipilitan lang siya.
Bigla tuloy akong napaisip. Tama ba tong ginawa ko? Bahala na! Eto na siya eh!
--------------------------------------------------
Tentenenen!
Next chapter...paano nga ba maging boyfriend ang isang Daniele De Guzman?
BINABASA MO ANG
Ms. Disaster and Mr. Troublemaker
Teen FictionKapag ang isang babae na puro disaster ang dala at ang isang lalake na puro gulo lang ang alam nagsama, ano kaya ang mangyayari? Ano pa? Edi isang malaking kaguluhan! Pero paano kung ang isa sa kanila ay mainlove sa isa? Hindi ba mas magulo yun? Ano...
