Chapter 2
Saphie's POV
*sighed*
Kanina pa ko ganyan ng ganyan. I don't know. Kinakabahan kasi ako. I brush my hair from my forehead up to its end. Mukha daw akong nababaliw pag ginagawa ko toh eh kaya lang di ko mapigilan. Mannerism.
"Are you okay?"
Hayyy. I really don't know. Nasa shot gun seat ako ngayon ng kotse ni Kuya. Pangumaga ang klase niya kaya nagprisinta siyang idaan ako sa school. Hmm...with his handsome face riding in a pure black car, he's cool. Wala lang. Napansin ko lang. Dahil na rin siguro sa nerbiyos.
"Uy. Mukha ka ng baliw diyan. May problema ba? Bakit ninenerbiyos ka diyan?"
"Nothing. I'm fine."
"Your day was not good."
Ano daw?
"Huh?"
"Sabi mo kay Dad...'your day was good'.And you lied."
Sabi niya.
"Bullies? Or...more on accidents?"
Kuya know me well. Very well.
"Can I say both? But don't worry I can handle it."
Knowing Kuya siguradong susugudin niya agad si Davil este si Damil basta si Trouble maker at ang Gang kapag nalaman niya kung ano ang ginawa nila sakin.....at gagawin pa. Shocks. Ninenerbiyos na ulit ako!
"Sure? Just tell me kung di mo na kaya ah."
"Uhhh nakaka-touch naman Kuya ko."
Tapos pinisil-pisil ko pa ang pisnge niya.
"Tsss. Bumaba ka na nga bago pa kita kaladkarin palabas."
Hahha. Kuya talaga!
"Bye! Kuya!"
"Oo na layas na! Mag-ingat ka ha! Baka magiba mo yung buong school niyo. Just text Kuya Raul. He'll pick you up later."
Bumaba na ko sa kotse ni Kuya.
Inhale. Exhale. Face the world, Saphie. Bakit nga ba ako kinakabahan?
---flashback---
|Mali naman yung nilagay mo eh. WWW.SHH.COM. Yan dapat, okay?|
Ooppss. Naasar na ata. Kanina ko pa kasi hinahanap pero laging mali yung natatype ko.
"Sensya na. Ang dami kasing website na nalabas eh. May paDaniele-Daniele Angel pa ngang nalalaman eh."
|Ah yun ba? May hiwalay talagang website ang mga yan. Pero yung binigay ko sayo ang tignan mo. In general na kasi yan eh. Hindi lang about sa Gang kundi sa lahat ng cool at sikat na students sa SHH. Kahit announcements about different activities nilalagay nila diyan.|
"Gotcha!"
Yes! Sa wakas nakita ko na! Astig noh? Ka-chat ko ngayon si Emily sa facebook. Nagdadalawang isip na nga ako kung nerd ba talaga toh. Ang daming alam sa society eh!
"Woah. Akala ko ba in general toh eh bakit puro news about The Gang ang nakikita ko?"
|Nagtaka ka pa eh sila naman lagi. Pag nagenroll ka sa SHH, automatic na isasali ka na nila sa website na yan. Let's just say na para siyang facebook. You can post, like, comment and share.|
"Aahhh. So pati Teachers kasama?"
|Nope. For students lang yan. May isa pang website na mismong may-ari ng school ang nagooperate. Bigay ko rin sayo?|
BINABASA MO ANG
Ms. Disaster and Mr. Troublemaker
Teen FictionKapag ang isang babae na puro disaster ang dala at ang isang lalake na puro gulo lang ang alam nagsama, ano kaya ang mangyayari? Ano pa? Edi isang malaking kaguluhan! Pero paano kung ang isa sa kanila ay mainlove sa isa? Hindi ba mas magulo yun? Ano...
