Convincing You

3.3K 95 1
                                        

Hi guys!

Sensya na po sa mga wrong spellings and grammar sa chapter na toh. Ganun na din sa mga nakaraang chapters at sa mga susunod pa.

Thanks!

-------------------------------------------------

Chapter 4

Saphie's POV

"Oh. Anong nangyayari dito?"

Tanong ni Kuya pagkapasok niya dito sa living room.

"Eto kasing kapatid mo eh. Halos kakauwi lang din. She just texted me a while ago na maggu-group study daw sila ng mga bago niyang kaibigan. Hindi man lang sinabi kung saan siya pumunta at anong oras siya uuwi. Gusto ata akong patayin nito sa nerbiyos."

First time kong makita na ganyan si Dad. Halos mag hysterical na siya.

"Baka naman may reason siya Dad."

Sabi ni Kuya tapos umupo siya sa isang sofa na nasa gilid ng sofang inuupuan ko.

"Kahit na. It's not right na pinapag-alala niya tayo."

Mas yumuko pa ko. Ano ba naman tong nagawa ko?

"Angel."

Dad kneel in front of me. Kinuha niya ang baba ko at itinaas yun to meet his face.

"Please don't get mad at me. Don't get me wrong. I'm just very worried. Ngayon mo lang toh ginawa sakin at ayoko ng maulit pa."

I smiled at Dad.

"I'm not mad, Dad. You should be the one getting mad at me. I made you worried. Promise, I won't do that again."

"Good. Just keep in your mind that I'm doing this to protect you. I trust you pero hindi ang mga bagay na nasa paligid mo. Magagalit ka ba kung sasabihin kong...you can just stay outside until 7 p.m.?"

Umiling ako.

"No Dad. I understand why you're doing this."

"Thank you for understanding my angel."

I suddenly hugged him.

"Oh?"

Gulat na tanong sakin ni Daddy.

"Thank you Dad. Thank you for worrying. Thank you sa sermon. Thank you sa curfew. At least I have evidences that you really loved me."

"Of course I love you my Angel. I'll forever love you."

Bigla namang nag faked cough si Kuya na nakakuha ng attention namin ni Daddy.

"Sige ganyanan. Wag kayong mangsali. Naiintindihan ko naman eh."

Kunwaring nagtatampong sabi ni Kuya. Natawa na kang kami ni Daddy tapos nag group hug kaming tatlo.

"Ikaw talagang bata ka. Gusto mo lang makiyakap nagpaparinig ka pa."

Sabi ni Daddy sabay gulo sa buhok ni Kuya.

"Dad! Buong araw kong pinatayo yan tapos padadapain niyo lang pala."

"Bakit may popormahan ka pa ba ng gantong oras, Kuya?"

Biglang napatungo si Kuya. Ow. Ow. Alam na this!

"Aba. Mukhang meron tayong kailangang pagusapan ah."

Sabi ni Daddy sabay akbay kay Kuya.

"Ooppss. #usapanglalaki. Akyat po muna ako sa taas ah. Mukhang di ata ako pwedeng makisali sa usapan niyo."

Biro ko.

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon