The Graduation

1.9K 87 16
                                    

Time will come that all of us will need to learn how to let go.

-----------------------------------------------------

Chapter 57

Saphie's POV

Time flew so fast. March na. Graduation na. Finally.

Aligaga ang lahat. Nakakatawa dahil mas excited pa ata sila sa akin.

"My Angel, may kulang pa ba?"

"Dad, for the nth time, wala na po. Okay na okay na ako. Kayo na lang kaya ang iniintay."

Natatawa kong sabi. Napakamot naman sa ulo si Daddy. One week before my graduation ay bumalik sila rito sa Pilipinas.

"Eh parang may nakakalimutan pa ako eh."

"Dad! We're running late! Let's go!"

Okay. Mas excited pa sakin si Kuya. Haha!

"Love, makasigaw ka naman. 30 minutes pa bago mag-start ang program. リラックス" Relax.

Overwhelmed din ako dahil pati si Ate Yannie ay nandito. Proud na proud sila sa pagka-Salutatorian ko.

"申し訳ありませんが。私は興奮と好奇心が強い同時に。" Sorry. I'm just excited and nervous at the same time.

Napa-poker face na lang ako. Ayan na naman sila. Nagsisimula na naman silang mag-usap sa lengguaheng sila lang ang may alam.

"He said he's nervous."

Napalingon ako kay Daddy. Nakalimutan kong nag-aral nga rin pala siya ng Japanese noon.

"Really?"

"Yes. That's what I understand. Alam mo namang hindi ko gaanong master ang  Japanese. Hayaan mo na. At least marunong kang mag-French."

Natatawang sabi ni Daddy. Yep. I studied French a month ago. Alam mo na? Kapag nagmo-move on dapat may ibang pinagkakaabalahan.

"Tara na Dad!"

"Go Angelo! Susunod kami."

Si Kuya kasi ang magda-drive kaya atat eh. After kasi nito ay didiretso kami sa isa sa mga resort namin to celebrate.

"Why Dad?"

Humarap siya sakin at ngumiti.

"Naalala ko na kung ano yung nakalimutan kong sabihin sayo."

"What is it Da-"

Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla akong yakapin ni Daddy.

"I'm so proud of you."

Napangiti ako. Kumalas si Daddy sa yakap niya tsaka hinawakan ang mga kamay ko.

"I'm so happy that you're my daughter."

"I'm also happy to be your daughter, Dad."

"I know your Mom is also proud of you."

"Yah. Salutatorian kaya ako! Alam kong proud din siya sakin. Sobra niyo po yung pinaparamdam sakin."

Dad smiled at me at napansin kong teary-eyed na siya. Naman, Dad eh! Ayoko ng umiyak! Palagi na lang akong umiiyak eh. Pero siguro naman, okay lang umiyak ngayon noh? Isang buwan ko na kasing kinontrol ang mga luhang 'toh. Siguro naman okay lang diba? Tears of joy naman 'toh.

"Shh. Stop crying. Kaya pala waterproof ang gusto mong make-up. Tara na nga! Baka mamaya mag-drama na lang tayo rito!"

Hinila na ako ni Dad tsaka niya ako inakbayan at sabay kaming lumabas ng mansion. Nasa driver's seat si Kuya at si Ate Yannie naman ay nasa shot gun seat. Nandito kaming dalawa ni Dad sa likod. Bahagya kong isinandal ang ulo ko sa salamin tsaka tinanaw ang labas.

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon