Sa pag-ibig, walang salitang 'suko'. Ang meron lang 'give way'. Dahil may mga taong handang masaktan sumaya ka lang, kahit nasa piling ka pa ng iba.
------------------------------------------------
Chapter 35
Saphie's POV
|Hayy, nandiyan ka na naman sa ospital. Hindi ka ba nagsasawa diyan?|
Natawa ako ng konti sa sinabi ni Sebastian. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
"At least, ako na ang bumibisita at siya na ang nasa kama."
|Baliw. Kamusta na siya?|
"Okay naman. Bukas baka daw pwede na siyang lumabas. May mga test pa kasing gagawin para masiguradong wala siyang masamang tama or internal bleeding."
|Ganun ba? Sensya na nga pala. Hindi na ako nakadaan diyan. Dumiretso na kasi ako dito sa bahay after magbigay ng statement sa mga pulis.|
Oo. Nahuli sila Prince. Nauna na kasi dito sila Andrew at Emily kaya maaga silang nakauwi. Wala naman kasing masama kay Emily. Stress lang daw at pagod kaya nahimatay. Kaya ayun, umuwi na sila.
"It's okay. Ako na ang bahala kay Daniele."
|Sige. O pano? Magpapalam na muna ako. Buti na lang wala dito sila Mommy at hindi nila nakita si Emily na walang malay at ako na puro galos at may pasa pa sa braso. At mas suwerteng hindi natamaan ang napaka pogi kong mukha!|
Natawa na lang ako sa kanya.
"Sira! Sige na, ibababa ko na toh. Baka gising na si Daniele. For sure gutom na yun."
Nagpaalam na ako sa kanya at binaba ko na yung phone. Lumabas kasi ako saglit sa ospital para bumili ng pagkain. Buti na lang friday ngayon kaya makakapag-stay ako dito sa ospital para bantayan si Daniele. Bukas ko na lang dadalawin si Emily tsaka si Prince tutal wala namang pasok.
"Ryan? Ryan!"
Hala! Muntik na siyang mawala sa isip ko. Nakita ko siyang naglalakad dito sa may hallway.
"Okay ka na ba?"
Tanong niya sakin. May pasa siya sa may bandang pisnge. Hayy.
"Oo naman. Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo eh."
Ngumiti siya. Pero parang malungkot. Pagod lang siguro siya.
"I'm fine. Kakadaan ko lang kay Daniele kaya lang tulog pa siya. Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi? Sumabay ka na sakin."
"Uuwi ka na? Wala ka na bang masamang nararamdaman?"
"Wala naman akong masyadong tama. Ano? Sabay ka na?"
Umiling ako.
"Baka magpagabi na muna ako dito. Walang magbabantay kay Daniele."
Parang bigla siyang nalungkot pero agad din naman siyang ngumiti.
"Kailangan mo na ring magpahinga. Daniele will be fine. Isa pa, off-duty ka na sa pagiging girlfriend niya."
Hayy, oo nga pala. Wala na kami sa school.
"Hindi naman nago-off duty ang kaibigan diba?"
Pagdadahilan ko na lang kahit ang totoo gusto ko siyang alagaan dahil higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kanya.
"Ikaw talaga. Sige, mauna na ko. Magpahinga ka na rin ha."
Nag-wave lang ako sa kanya at tuluyan na siyang umalis. Dumiretso na ko sa kwarto ni Daniele. Nilapag ko sa maliit na mesa yung pagkaing tinake-out ko sa isang fastfood chain.
BINABASA MO ANG
Ms. Disaster and Mr. Troublemaker
Teen FictionKapag ang isang babae na puro disaster ang dala at ang isang lalake na puro gulo lang ang alam nagsama, ano kaya ang mangyayari? Ano pa? Edi isang malaking kaguluhan! Pero paano kung ang isa sa kanila ay mainlove sa isa? Hindi ba mas magulo yun? Ano...
