Big Catch

2.5K 81 9
                                        

Sa araw umiikot ang mundo hindi sa pera, okay?

--------------------------

Chapter 43

Saphie's POV

Hmmm..

Bakit parang medyo tumigas ang kama ko? Well, malambot naman 'toh pero mas malambot yung dati kong kama. Tsaka bakit ganun? Amoy lalaki yung kwarto ko.

Wait. What?!

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Bumungad sakin ang yakap-yakap kong unan na kulay puti. Kailan pa ko nagkaroon ng unan na kulay puti? Halos lahat ng gamit ko color blue ha. Tumingin ako sa ceiling. Hala. Saan napunta ang star wallpaper ko? Bakit puti na lang 'toh? Umupo ako sa kama. Yung dingding..color blue. Ugh. Of course, I'm not in my room! This is not my unit! Wait..if this is not my unit...where am I?

"Waaahhh!"

Ghad! Kailan pa naging makalat ang kwarto ko?! At kaninong shirt 'toh? Wait, hindi ko nga pala 'toh kwarto. And obviously this is not my shirt. Nadulas pa tuloy ako. Inamoy ko yung shirt. Mukha na kong aso nito ah. Inalala ko yung mga nangyare kagabi and oh. Last thing I did was stare to Daniele's face. Yeah of course! Nandito ako sa unit niya! Bakit ang slow ko ngayon? At bakit nandun ako sa kama niya?

Tumayo na ko at medyo hinimas ang likuran ko. Medyo masakit din yun ha. Lumabas ako sa kwarto niya dala ang shirt niya. Ang bango. Bigla akong nagutom.

"Hey! Goodmorning sleepyhead!"

Medyo natawa ako. Sleepyhead? Parang mas gusto ko pa yung Ms. Disaster ha.

"Enjoy staring at my handsome face?"

"Yabang! I'm not staring at your handsome face!"

Sabi ko ng medyo natatawa pa.

"Edi inamin mo ding pogi ako!"

"Wala akong sinasabi!"

"Meron kaya! Bakit hindi ka ba napo-pogian sakin?"

"A-ano..hindi ka p-pogi!"

Bakit ako nauutal kapag nagsisinungaling?! Bigla siyang humarap sakin habang naka-smirk. Medyo nakatalikod pa kasi siya kanina at nakaharap sa may kalan.

"Sige nga. Titigan mo ko. Tsaka mo sabihing hindi ako pogi."

Tinitigan ko siya at ganun din siya sakin. Titigan pala ha. T-teka nga, what is..aarrghh! Ngayon ko lang napansin na naka-jersey shorts lang siya. As in! Half naked!

"H-hindi ka nga pogi tsaka ano nga! Magbihis ka ng maayos!"

Sabi ko sabay hagis sa kanya ng shirt niya. Natawa lang siya. Kaasar. Bakit ang galing niyang sumalo?

"Ang sabi ko, mukha ko lang ang tignan mo hindi pati katawan ko. Magbe-breakfast ka pa ba o busog ka na sa nakikita mo?"

"W-what?!"

Maniac! Naka-smirk siya habang nakatingin sakin at dahan-dahang inaalis ang tali ng apron niya sa likod hanggang sa natanggal na niya ang apron niya.

"N-nakakaasar ka kamo! Magbihis ka na nga!"

"Eh kung ayoko?"

He's...he's teasing me and he's unbelievable! Nanlaki bigla ang mga mata ko nang makita kong umuusok na yung kung anomang niluluto niya.

"Daniele! Nasusunog na yung niluluto mo!"

Bigla naman siyang napalingon at agad na pinuntahan yung niluluto niya. Ayan kasi eh!

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon