The Intrams

2.3K 108 6
                                        

Suporta- Salita lang para sayo, lakas para sa mahal mo.

----------------------------------------------------------

Chapter 40

Saphie's POV

"Ready?"

Tanong ko sa kanya bago ko alisin ang seatbelt ko.

"Oo naman!"

Lumabas na kami ng sasakyan niya. Dun ko lang napansin ang number ng jersey niya. Naka-jersey na kasi kami.

"Bakit 7 ang number mo?"

Takang tanong ko sa kanya. Lumingon siya sakin tsaka niya ko nilapitan. Hinawakan niya ang kamay ko kaya parang may kuryente na naman. Tinaas niya yun para makita ko ang magkahawak naming kamay.

"Nakalimutan mo na ba? July 7."

Kinindatan niya ko tsaka kami nagsimulang maglakad. July 7...ghad! Monthsary namin! Kinikilig ang lola mo!

"Ay kinikilig ang lola mo!"

Napatakip na lang ako ng bibig. Hindi dahil sa pagkakatisod ko kundi dahil sa naisigaw ko. Nuveyen!

"Ayan kasi, lutang na naman."

Natatawang sabi sakin ni Daniele. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Captain!"

Napatingin kami sa mga ka-team niya. Mga naka-jersey na rin sila.

"Oy! Kita na lang tayo mamaya ha? Kakausapin ko lang sila."

Nag-nod ako kay Daniele. Pinanood ko lang sila na mag-apir-an. Maya-maya ay sumunod na rin sila Sebastian at Ryan pati na rin si Andrew. Lumingon ako sa pinanggalingan nila at nakita ko si Emily.

"Oh. Kaaga-aga nakabusangot yang mukha mo. Baka mahipan ka ng hangin niyan."

Natatawa kong sabi sa kanya. Nakasimangot pa rin siyang lumapit sakin.

"Eh kasi naman! Nakakainis! Sabay gaganapin ang volleyball ng Seniors sa gym at Scrabble sa Big room! Hindi tuloy kita mapapanood."

Naka-pout pa siya. Cute!

"Ang cute mo! Okay lang yun. Bibilisan ko na lang para makahabol ako sayo."

"Kahit na! Tsaka ang nakaka-inis pa, kapag kami ang naunang matapos baka hindi rin kita mapuntahan."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit naman?"

"Eh kasi baka hindi na ko paalisin ni Kuya. After kasi nun, basketball na nila ang kasunod."

Napahinto ako dun.

"G-ganun ba?"

Biglang lumapit samin ang Gang pati si Andrew.

"Nakita mo na yung schedule ng mga games, Saphie?"

Tanong sakin ni Sebastian. Umiling ako.

"Hindi pa pero alam ko yung akin."

"Pano yan? Hindi ka namin masusuportahan. Baka ma-late kasi kami. Ang layo ng Gym sa Big room!"

Sabi naman ni Andrew. Pinilit kong ngumiti sa kanila.

"Okay lang! Tsaka mas praktikal na kung sila Emily na lang ang panuorin niyo hindi ako! Para hindi na kayo mapagod. Tsaka mababagot lang kayo dun noh!"

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon