Dreamboy, Dreamgirl

3.3K 83 0
                                    

Happy 2015!

First update this year!

----------------------------------------------

Chapter 13

Saphie's POV

Tick, tock, tick, tock

Sa sobrang tahimik ng room, wala ka ng ibang maririnig kundi ang tunog ng mga branded na relo ng buong section A, kaliwa't kanang patagong hikab ng mga estudyanteng pilit ginigising ang sarili nila, mga mahihinang hilik ng mga teen agers na hindi na nakayanan ang antok at siyempre ang sobrang boring na boses ng teacher kong nagdi-discuss ng sobrang boring na topic dito sa sobrang boring na room ng mga estudyanteng boring na boring na sa mga sinasabing ka-boring-an ng teacher naming pinaglihi sa pinaka boring na kalabaw sa pinaka boring na lugar dito sa Pilipinas.

Yaaawwnn. Bored na talaga ako. Nakapahalumbaba na nga ako dito habang tina-tap ko ang ballpen ko sa libro kong di naman nakabukas. Lahat tuloy ng bagay napapansin ko na. Tumingin ako sa mga katabi ko dito sa last row.

Si Andrew. Ayun, nakahiga na sa lamesa niya ang ulo niya. Kulang na lang pumikit tapos tulog na. Yap. Andrew na at hindi na Prince ang tawag ko sa kanya. Ilang linggo na rin nung nag-transfer siya dito kaya nakilala na rin namin siya. At mas type daw niya ang Andrew kaysa Prince.

Emily, ang dakilang estudyante. Nakapahalumbaba na rin siya pero pinipilit pa rin niyang makinig. Paano niya nagagawa yun? Eh eto ngang Kuya niya kung ano-ano na lang ang idino-drawing sa papel niya. Si Ryan naman. Teka, gising na gising?! Medyo sumandal ako para makita kung ano yung ginagawa niya sa backpack niya na nasa lap niya. Ayuuun. Kaya naman pala eh. Naglalaro sa phone niya! Aba. Ninja moves ah. No phone allowed kaya!

At yung katabi ko? Eto oh. Tulog. Tss.

"Goodmorning class. This will be our last lesson included in your mid-quarter exam. So please listen carefully."

Ay patay! Oo nga pala! Eh pano tong nasa tabi ko? Kailangan niyang makinig ng may ma-absorb naman siya kahit paano.

"Daniele..."

Bulong ko habang sinusundot-sundot ko yung braso niya. Aba. Ayaw gumising!

"Daniele...huy, gising. Daniele!"

Pabulong kong sabi habang sinusundot-sundot ko pa rin yung braso niya ng ballpen ko.

"Is there any problem Ms. Elenda?"

At nagsalita ang pinaka pormal kong teacher na nagtuturo ng History sa pinaka nakaka-boring na paraan.

"Uhmm...eh..w-wala po Sir."

"Wala? You interrupt our discussion because of a thing you called 'wala'? Don't fool me Ms. Elenda. All of you should listen to this very important lesson tapos kung ano-ano lang ang ginagawa mo diyan? What punishment do you want?"

Napalunok na lang ako. Sa sobrang tahimik ng klase yung bulong ko kanina dinig na dinig na pala. Tapos tong teacher ko naman highblood. Nabuhay tuloy ang mga dugo ng mga tsismoso kong classmates.

"Ah..s-si-"

"Yaawwn. Grabe! Akalain mo yun? Nakatulog pala ako! Thank you for waking me up, girl of my dreams."

Anong problema nito? Bigla na lang gumising si Daniele at nag-unat with matching taas pa ng kamay sabay akbay sa akin. Aba't! Kinindatan pa ko ng loko!

"What do you mean Mr. De Guzman? You're sleeping during our discussion? What do you want? Red, Blue or Yellow card?"

Galit na sabi ng Teacher kong itago natin sa pangalang Sir Boring. At narinig ko na naman ang pambansang panakot ng lahat ng teachers dito sa SHH.

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon