Family Day

3.7K 99 0
                                        

Ang dami kong gustong palabasing conflicts kaya lang mas nage-enjoy ako sa mga kilig scenes. Nubeyen!

----------------------------------------------

Chapter 18

Sebastian's POV

Epal na susi toh! Lagot ako ngayon kay Daniele!

Papunta na kami ngayon sa kwarto ni Emily. Kainis! Bakit ngayon lang naalala ni Emily na may duplicate key nga pala si Daddy sa bawat pintuan dito sa mansyon? Buti na lang nakalimutang i-lock ni Daddy yung master's bedroom nang umalis sila ni Mommy for a business trip.

"Tss. Anoman ang mangyari sakin gusto kong malaman mo na gray ang gusto kong kulay ng magiging kabaong ko."

Sabi ko kay Emily habang paakyat kami sa hagdan.

"Ano ka ba Kuya? Wag ka ngang mag-isip ng ganyan!"

Sabi naman niya sakin. Masaya ko at close na ulit kami. Ilang taon ko rin siyang tinuring na hanging dumadaan lang sa harapan ko. Epal kasi yung 1st year highschool namin! Lahat ng bad memories dun nagsimula eh! Pwera na lang yung kay Daniele. 2nd year ang pinakamalas na taon para sa kanya eh. Si Ryan? Sus. Matagal ng malas yun.

"Hoy Kuya natulala ka na. Bubuksan mo ba yung pinto? O gusto mo ako na lang?"

Aish. Natulala na tuloy ako! Iniling ko ng konti ang ulo ko tsaka nagdasal ng mataimtim. After nun, binuksan ko na yung pinto ng dahan-dahan.

"Bat ang tahimik?"

Sabi ni Emily.

"Malay ko. Pareho tayong nasa labas eh."

Buti na lang di na ko binara ng kapatid kong toh! Hahaha.

"O asan na yung mga yun?"

Sabi ko nung nabuksan ko na talaga ang pinto.

"Malay ko. Pareho tayong nasa labas eh."

Psh. Tong kapatid ko sarap batukan.

"Aray!"

"Ay Bro sensya na!"

Bigla tuloy akong nataranta! Binuksan ko kasi ng todo yung pinto pero imbes na sa dingding tumama eh sa paa ni Daniele tumama. Aba! Malay ko bang andiyan pala sila?

"Tss. Alis nga! Natutulog eh!"

Sabi niya. Ginulo niya pa ulit yung buhok niya tsaka isinandal ang ulo sa dingding at pumikit. Nagkatinginan lang kami ni Emily. Muntik na kaming matawa! Buti na lang napigilan namin kung hindi!

"Bro, masyado ka naman atang nag-enjoy sa pag-unan sayo ni Saphie at sa pag-akbay mo sa kanya?"

Nang-aasar kong sabi.

Dahan-dahang minulat ni Daniele ang mga mata niya at bored na tumingin sakin.

"Pinagsasasabi mo? Lumayas ka nga sa kwarto ko!"

Aba?! Ako pa pinalayas!

"Hoy! Nananaginip ka pa ba? Nasa kwarto ka ng kapatid ko! At mansyon ko toh! Baliw!"

Sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang sarili kong tumawa. Mukha siyang baliw!

"Bahala ka sa buhay mo. Matutulog pa ko."

Antok na sabi niya sabay sandal sa ulo ni Saphie na naka-sandal din sa kanya.

"At si Saphie ang inuunanan mo!"

Muntik na kong gumulong kakatawa nang makita ko ang reaksyon niya. Bigla niyang minulat ang mata niya at tumingin sa babaeng naka-ulo sa balikat niya. At tinu-

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon