Don't be scared

2.5K 86 0
                                    

Waahhh!

Sunod-sunod ang update ko!

-----------------------------------------------

Chapter 17

Daniele's POV

Dalawang araw na. Akalain mo yun? Nakaka-miss din pala ang panget na yun.

"Ano? L.Q. pa din? Aba. Saturday na ah. Wednesday pa yan. Bakit kasi di mo pa kausapin?"

Sabi ni Sebastian sakin. Nasa bahay nila kami. Dito sa may kwarto niya.

"Eh bakit ako ang unang makikipag-usap? Ako ba ang unang hindi namansin?"

May pagka-inis sa tono ng pananalita ko. Sinong hindi maiinis dun? Matapos akong asarin bigla na lang akong hindi papansinin. Tss.

"Alam mo, ang akala niya ikaw ang galit sa kanya."

"Hindi ako galit. Naiinis lang. Iba yun."

Sabi ko. Ikaw kaya pagsalitaan ng ganun? Kainis!

"Bahala ka. Eh sa yun nga ang akala niya eh. Kaya nga gusto niya ikaw ang unang kumausap sa kanya. Kakausapin ka din naman nun. Simpleng sorry lang di mo pa magawa."

"Eh bakit ako? Dapat siya!"

"Tss. Ikaw nga."

"Siya!"

"Ikaw."

"Siya nga sinabi eh!"

Sa inis ko, dinampot ko yung unan at binato ko sa kanya. Yun nga lang naka-iwas kaya ayun kay Ryan tumama.

"Sh*t!"

Bigla tuloy siyang napasigaw.

"Sorry!"

"F*ck! Mananalo na eh! Mabi-beat ko na! Bahala nga kayo diyan!"

Hinagis niya yung phone niya tsaka lumabas. Buti na lang nasalo ni Sebastian.

"Ayan Bro patay ka. Flappy bird pala ang nilalaro eh. Isa na lang beat niya na yung high score."

"Ikaw kaya! Kulit mo kasi!"

Tsaka ano bang meron sa flappy bird na yun? Eh laos na yun eh!

"Bahala ka nga diyan. Makasigaw toh."

Sabi niya. Aba! Iniwan lang ako dito!

"Oy! Wag niyo kong iwan!"

Tumakbo ako palabas ng kwarto ni Sebastian nang biglang na-

"Aray!"

"Aww!"

Sabay naming sigaw ng babaeng nabangga ko.

"Di kasi nag-iingat eh. Bakit ka ba kasi tumatakbo?"

Tanong ko dun sa babae pagka-tayo ko. Siyempre teritoryo toh ni Sebastian. Pero kung eto nasa bahay namin, malamang fired na siya ngayon.

"Eh bakit kasi bigla-bigla kang tumatakbo? Ako pa sisisihin mo!"

At aba! Sinagot pa ko ng katulong na toh. Hinawakan ko yung baba niya para makita ko yung mukha niya ng-

"Saphie?"

"Daniele?"

Sabay naming sabi. Tinabig niya ang kamay ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Anong ginagawa mo dito?"

Sabay ulit naming sabi.

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon