Saphie's POV
It's been 2 weeks..
2 weeks palang pala pero miss na miss ko na si Daddy.
After that accident, tinakbo ako sa ospital. Over fatigue. Stress. Pero gulat na gulat talaga ako nang humagulgol si Kuya sa harap ko. Dun ko na-realized na tama si Daniele, lahat sila nag-alala sakin. Lahat sila nararamdaman ang unti-unti kong pagkawala sa kanila. Kahit siya.
"Let's go?"
Napatingin ako kay Kuya and smiled.
"Yes."
Nagpaalam na ako sa puntod nila Mommy at Daddy. Siguro nga masaya na sila ngayon dahil magkasama na ulit sila. Pagtalikod ko ay nakita ko si Ate Yannie at Kuya Mark na magka-holding hands habang naglalakad pasakay sa kotse.
Ang sweet nila. Bagay silang dalawa. Sana nga sila ang magkatuluyan. Wag sanang maranasan ng isa sa kanila ang naranasan ko.
Sumakay na rin ako sa kotse, sa may tabi ni Butler James na nasa driver's seat. Ayoko sa likod. Nakaka-bitter kapag nakikita ko ang sweetness nila Kuya. Tumingin ako sa labas ng bintana.
Hindi naman ako ganung ka-bitter pero sa ngayon, isasara ko muna ang puso ko. Hahayaan ko muna siyang maka-recover. Sobrang sakit na kasi to the point na hindi ko alam kung kaya ko pa bang magmahal. 17 palang naman ako. Madami pang pwedeng mangyari sakin.
17. Sabi ni Daddy pag 18 years old na ako kahit ayaw ko ay magpapa-party siya ng malaki. Hindi siya papayag na hindi siya ang first and last dance ko. Isasayaw niya raw ako buong magdamag. Isang buwan na lang sana. Hindi pa niya nahintay.
Miss na miss na talaga kita, Daddy.
"Are you okay, Saphie?"
Napalingon ako kina Kuya at tsaka ako ngumiti.
"Yeah. I'm fine."
Ibinalik ko ang tingin ko sa labas. Ayoko ng maging malungkot. Kuya and I have an invisible connection. Yung hindi naman kami kambal pero parang nararamdaman namin ang isa't isa. Ayokong maramdaman niya ang lungkot ko.
After an hour ay nakarating na kami sa airport. Ibinaba ni Butler James at Kuya ang mga maleta. Niyakap nila si Butler James tapos niyakap din nila ako.
"Sigurado ka bang magpapa-iwan ka muna? Natatakot akong iwan ka. Pakiramdam ko may mangyayaring masama."
Pinilit kong ngumiti kay Kuya. Ayokong mag-alala siya sakin.
"Para kang sira, Kuya. Mauuna lang naman kayo dun ng ilang araw. Susunod din ako."
"Oo nga naman, Mark. Don't be so paranoid. Okay ka na naman diba, Saphie?"
I know Ate Yannie's worried about me pero parang ayaw niya ring ipakita kaya nag-nod na lang ako sa kanya.
Grabe talaga. Lumipad pa siya from Japan papunta rito para damayan kami, si Kuya. True love.
"Okay. Mag-enjoy ka dun ha? Wag mong kakalimutang mag-Tagalog. Baka mamaya pag dating mo sa US hindi ka na namin makausap ng matino. Hindi pa naman ako marunong ng French."
Pinilit kong tumawa sa sinabi ni Kuya. Ilang minuto lang ay nagpaalam na ako sa kanila. Sumakay na ako kay Butler James at habang palayo kami sa airport ay parang nakaramdam ulit ako ng pag-iisa.
Malungkot ako. Nasasaktan. Sobra. Pero ayokong ipakita sa kanila. Gusto ko magmukha akong malakas sa kanila. Magmukha akong okay. Kahit ang totoo, sirang-sira ako. Ni hindi ko nga alam kung saan pa ba ako pupunta. Kung ano pang gagawin ko sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Disaster and Mr. Troublemaker
Teen FictionKapag ang isang babae na puro disaster ang dala at ang isang lalake na puro gulo lang ang alam nagsama, ano kaya ang mangyayari? Ano pa? Edi isang malaking kaguluhan! Pero paano kung ang isa sa kanila ay mainlove sa isa? Hindi ba mas magulo yun? Ano...
