Future Granddaughter

2.2K 79 0
                                    

Ayan na!

---------------------------------------------------

Chapter 32

Saphie's POV

"Dad, I'm definitely fine. In fact, bihis na ko and ready for school. So please, don't worry. Okay?"

Hayy, ang kulit ni Dad!

|Okay, okay sige. But if there's something wrong, call me. Kung may nararamdaman kang masama, pumunta ka kaagad sa ospital. Okay?|

"Yes, Dad."

Nagpaalam na ko kay Daddy at ibinaba ko na ang phone ko. Nagpatuloy na ko sa pagsusuklay ng buhok ko. After kong matapos sa pag-aayos, humarap ako sa full-length mirror ko.

"Good."

Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang mag-abalang tignan ang sarili ko sa salamin but at least, nagiging babae na ko. Tumingin ako sa pocket watch na bigay ni Daniele.

"Aba. Hindi ata on time yun ngayon?"

Buti na lang hindi ko ito dala nung nagkaroon ng sunog. Mabuti pa, puntahan ko na siya. Nilagay ko na sa bulsa ko ang pocket watch pati na rin yung picture na nakuha ko sa sunog.

"Daniele?"

Kinatok ko pa ulit ang pintuan niya pero wala pa ring sumasagot. Sa panglima kong katok, dun lang bumukas ang pinto.

"Hmm..problema mo?"

Kinusot-kusot niya pa ang mata niya. Hala. Kakagising lang ba nito?

"Diba may pasok tayo? Bakit di ka pa nakabihis?"

"Ppfftt!"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit ka natatawa?"

"Saphie, seryoso ka ba? Parang walang nangyare kahapon ah? Wala tayong pasok ngayon dahil ii-inspect ang buong DGU."

Aish! Sayang effort!

"Ano ba yan? Bakit di mo agad sinabi?"

"Aba. Malay ko bang hindi mo pala alam."

"Psh. Makapagpalit na nga."

Aalis na sana ako nang hilahin niya ang kamay ko.

"Bakit?"

Tanong ko sa kanya. Bigla-bigla na lang kasi siyang nanghihila ng kamay! Di niya ba alam na nakaka-kuryente yun?

"Aalis tayo."

"Ha? Saan tayo pupunta?"

"Sa pupuntahan-aray!"

Hinampas ko nga! Napaka eh!

"Saan nga kasi?! Umayos ka nga!"

"Sa Mall! Ipapa-make over kita. Magkakaroon ng malaking party mamayang gabi dahil ngayon ise-celebrate ang 50th anniversary ng lolo't lola ko. Gusto ni Mama na dalhin kita at ipakilala sa lahat."

A-ano daw?

"Ha? As in..sa lahat?"

"Oo. Lahat. Buong angkan."

B-buong -angkan?!

"Eh papatayin mo ata ako eh! Baliw ka ba?! Gusto mo bang maging disaster ang buong party?! Like, seriously? Dadalhin mo ko?"

"Psh. Ang OA mo. Bakit? Never ka pa bang nakapunta sa isang party?"

Napaisip ako. Well, hindi naman pero I swear! Hindi ako makakatagal sa isang party! Sa isang party na siguradong OP ako!

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon