Never get tired

2.3K 82 1
                                        

Minsan, hindi na lang responsibilidad ang dahilan ng pag-aalala mo sa kanya. Nag-aalala ka kasi gusto mo na siya.

-----------------------------------------------------

Chapter 42

Saphie's POV

"Aaww!"

Hinimas-himas ko pa ang likuran ko. Aray naman. Kailangan ba every day nagigising ako sa lapag dahil sa pagkahulog sa kama? Pero ang sama talaga ng panaginip ko. Kitang-kita ko ang mga nanlilisik na mata nung Kyle na yun. Ngayon ko lang ulit naalala yung pagbabanta niya sakin. Kailangan ko pa kaya yung sabihin sa kanila?

Beep! Beep!

Ghad! May nagdo-doorbell! Napatingin ako sa phone ko na nasa kama habang nasa lapag pa rin ako. What the! 6:30 am na! Male-late na ko!

Lalabas na sana ako sa kwarto kaya lang parang may mali. Dumaan muna ako sa CR at naghilamos sabay mumog na rin. Ayan, okay na. Sinuklay-suklay ko pa ang buhok ko gamit ng kamay ko habang papunta ako sa tapat ng pintuan. Inayos ko pa ang suot kong pajama. Shocks naman! Nakapantulog pa ko!

Okay. Inhale, exhale. Binuksan ko na ang pinto at..

"R-Ryan?"

"Uhmm..hi."

Medyo ngumiti pa siya tsaka nag-wave sakin. Mas binuksan ko pa ang pinto para makapasok siya. Akala ko pa naman si Daniele.

"Pasok ka. Kanina ka pa ba don?"

Sabi ko. Umupo muna siya sa couch bago sumagot.

"Hindi naman."

"Aahh. Uhmm..nag-breakfast ka na? Teka, ano bang gusto mong kainin?"

Aalis na sana ako ng hawakan niya ko sa kamay kaya napatigil ako. Inalis naman niya yun kaagad.

"No need, Saphie. Tapos na ko."

"Ganun ba? Coffee?"

Umiling siya. Tumango-tango naman ako tsaka umupo sa couch na nasa gilid niya.

"Uhmm..anong ginagawa mo dito? Male-late na tayo ah?"

Medyo natawa naman siya.

"Hayy, naku. Sa sobrang aga pumasok ni Daniele nawawala na sa isip mo na 7:30 am ang pasok natin."

"Ay, oo nga pala. Eh bakit ka dumaan dito?"

"Maaga kasing pumunta sa DGU si Daniele. May aasikasuhin ata kaya ako na lang ang maghahatid sayo."

"Ahh."

Ano kayang aasikasuhin nun?

"Teka nga pala, may napapansin kasi ako eh. Bakit pag hindi ako nahahatid ni Daniele, ikaw ang lagi niyang tinatawagan? Bakit hindi si Sebastian?"

Hindi naman sa ayaw ko kay Ryan. I'm just curious. Friend din naman nila si Sebastian diba?

"Siguro..panatag lang siya kapag ako. Alam niya kasing hindi kita pababayaan. Alam niyang may gusto ako sayo."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. For real? As in?

"Don't worry. Hindi ko naman sinabi yung feelings mo para sa kanya. Sayo dapat manggaling yun. Pero tulad ng sinabi ko dati, pag sinaktan ka niya gagawin ko ang lahat para agawin ka."

Oh, no. He's serious!

"Sige na. Maligo ka na kasi ang baho mo na."

"Grabe ka! Ito na nga, maliligo na eh!"

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon