The Fieldtrip

2.6K 89 2
                                    

Sa maliliit na bagay mo makikita kung ano ka ba talaga sa kanya.

----------------------------------------------------------

Chapter 41

Saphie's POV

"Ayoko nga sabi!"

Ang kulit naman nitong si Daniele eh!

"Sige na! Ang arte mo eh isusubo mo lang naman!"

Sabi niya at pilit niya pa rin saking nilalapit ang bagay na yun. Ayoko nga!

"Ewww! Ayoko niyan!"

Sabi ko sabay layo sa kanya. Pero sa tuwing lalayo ako ay mas lalapit naman siya. Ano ba naman 'toh?!

"Maka-eeww ka ha! Hindi mo ba alam na milyong-milyong babae ang handang lumuhod sa harapan ko matikman lang 'toh! Tapos ikaw sinusubo ko na sayo, ayaw mo pa!"

"Eh ayoko nga! Bakit ba kasi ganyan yan? Ang laki tapos ang tigas. Ayoko niyan!"

"Aish! Ang kulit mo! Titikman mo lang naman!"

"Ayoko nga! Bata pa ko!"

"Anong connect? Ha?"

Lumapit pa siya sakin hanggang sa mapasandal na lang ako sa may pader.

"Ayoko nga!"

"Say aaahhh!"

"Ayo-asdfghjkl."

Grabe! Isubo daw ba sakin ng buong-buo!

"Ano? Masarap ba?"

Nilunok ko muna yung sinubo niyang graham ball sakin tsaka ko siya hinampas ng takip ng tupperware.

"Aray!"

"Aray mo mukha mo! Ang laki-laki nun tapos ang tigas-tigas pa tapos sinubo mo sakin lahat!"

"Malamang eh galing sa ref yun eh!"

"Aarrgghh!"

Kaasar! Nagpapadyak ako palapit sa lamesa tsaka ako padabog na umupo at tinuloy ang pagputol ko sa mga sitaw. Nakakasar nga yan eh! Nag-aaral magluto yung tao tapos manggugulo.

"Eto naman. Wag ka ng mainis! Masarap ba?"

Tinignan ko siya ng seryoso.

"Hindi ko natikman ng matino. Para saan ba kasi yan?"

Umupo siya sa may tapat ko. Kukuha na rin sana siya ng sitaw nang bigla kong paluin ang kamay niya.

"Aray ha!"

"Hahawak-hawak ka na diyan eh hindi ka pa nga naghuhugas ng kamay!"

"Eto na nga oh!"

Tumayo siya tsaka naghugas ng kamay sa lababo.

"Pero di nga, panget ba ang lasa? First time kong gumawa eh."

Umupo siya sa tapat ko at kumuha ng sitaw tsaka yun pinutol-putol.

"Para saan ba kasi yan?"

"Sa fieldtrip. Gusto ko lang magdala."

Kumuha ako ng isa sa tupperware at tinikman yun. Mmm..masarap naman pala.

"Masarap naman pala eh! Eh yang trophy? Kailangan ba pag napunta ka kasama yan?"

Sabi ko sabay turo sa trophy niya na nakapatong sa mesa. Medyo natawa naman siya. Trophy niya yun bilang MVP sa basketball. Nakakatawa nga eh. Sa sobrang tuwa nila, muntik na nilang makalimutan na may Second game pa. Sophomores ang nakalaban nila at natalo din naman nila yun. Sa totoo lang, panalo sa lahat ang Seniors pwera lang sa Volleyball.

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon