Their Choice

2.1K 90 11
                                        

Be careful in choosing your choices in life. One wrong choice can lead to the most heartbreaking consequence.

---------------------------------------------------------

Chapter 58

Saphie's POV

"Wag mong kakalimutan ang mga bilin ko ha? Always call us after you wake up and before you sleep. Always eat at the right time.-"

"Always pray. Always visit my Mommy. Wag maging sakit sa ulo kay Butler James. Curfew time is before 11:00 pm. No gala hangga't hindi nagpapalaam. No more secrets. At wag na wag hahayaang masaktan ulit. Memorized ko na Dad kaya wag mo ng ulitin."

Natawa naman sila Kuya sa sinabi ko at napakamot sa ulo si Daddy. Eh kasi naman, feeling niya ata ngayon lang kami magkakahiwalay.

"I'm just worried about you, my Angel. Lalo na ngayon, wala ng magbabantay sayo."

"Dad, anong tawag mo kay Butler James? Don't worry dahil maraming mag-aalaga sakin dito. Kayo po ang mag-ingat dun. Asa namang aalagaan kayo ni Kuya kapag nagkasakit kayo."

Kasabay ng tawa ni Ate Yannie ay ang paghampas sakin ni Kuya.

"Grabe ka naman! Anong tingin mo sakin? Masamang anak?"

"Sort of."

Muli kaming nagtawanan pero agad yung naputol nang tawagin na ang mga pasahero ng sasakyan nilang eroplano. Hindi kasi available yung trusted Pilot ni Dad kaya hindi sila sumakay sa private plane.

"Oh siya, lalayas na kami. Gamitin mo muna ang utak mo habang wala kami ah? Wag kang aasa agad, masakit yun."

Napa-poker face na lang ako dahil sa bulong sakin ni Kuya habang yakap-yakap niya ako.

"Malamang. Nakakasawa na kayang masaktan."

Humiwalay siya sakin at ginulo ang buhok ko.

"Wag ka ngang bitter."

I just rolled my eyes at him tapos ay si Ate Yannie naman ang niyakap ko.

"Ate Yans, ingat kayo dun ah? Pag-inaway ulit ako ni Kuya, hiwalayan mo na siya. You deserve someone better."

"Aba't! Itong batang 'toh!"

Naiiling na lang na natawa sakin si Ate Yannie.

"Ikaw talaga. Okay na ako sa kuya mo noh. Wala ng mas deserving pa para sakin."

"Naks! Kaya mahal na mahal kita eh."

Inakbayan pa siya ni Kuya at hinalikan sa noo.

Kayo na may masayang love life.

"Paniwalang-paniwala ka naman. No choice lang ako kasi nasayo ang plane ticket ko."

I laughed at Ate Yannie habang napasimangot naman si Kuya. Niyakap ulit ako ni Dad at bumulong sakin.

"I hope someday I can see your true laugh again. Yung wagas na parang walang bukas at di mo alintana kung may papasok na langaw sa bibig mo. Nami-miss ko na yun."

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon