Ranking

2K 64 1
                                    

Shortest chapter title so far?

----------------------------------------------------

Chapter 33

Saphie's POV

"Ano ba?! Daniele!"

Aaarrghh! Hindi niya ko pinansin at patuloy lang siya sa paghila sakin. Waahhh! Feeling ko mapuputol na yung braso ko.

"Daniele! Sorry!"

Sabi ko sa isang lalaki na nabangga ko. Nahulog tuloy yung project niya. Ito kasing lalaking toh eh!

"Daniele! San mo ba ko dadalhin ha?"

Pero ang mokong, tumawa lang! Hila-hila niya pa rin ako. Umakyat siya sa hagdan kaya muntik na kong madapa.

"Uy! Dahan-dahan lang naman! San mo ba talaga ako dadalhin ha?!"

Hinila niya lang ako hanggang sa makarating kami sa room. Sarado ang last floor dahil nga sa sunog.

"Daniele! Teka, Erika?"

Nakita ko ang mga members ng Campus Princesses na nakaluhod sa bilao ng mga munggo. May nakapatong din na tigta-tatlong libro sa magkabila nilang mga kamay. Naka-hilera sila at nasa harapan pa sila Erika, Sheila at Mae.

"Ano toh?"

Tumingin ako sa nasa likod ko. Sino pa ba ang may pakana? Edi ang Gang!

"Ano na naman toh, aber?"

I said while crossing my arms.

"Uhmm..konting ganti lang naman."

Nakangising sabi ni Daniele. May hawak pa siyang mga libro katulad nila Sebastian. Si Ryan naman, hawak lang ang mga libro habang binabasa yung isa na sa tingin ko ay pocket book.

"Guys, hindi na yan kailangan."

Sabi ko habang tinatanggal ang mga libro sa kamay nila Erika hanggang sa matanggal ko na lahat ng librong nakapatong sa kamay ng mga Campus Princesses.

"Psh. Ang corny mo, Saphie."

Humarap ako kay Sebastian.

"Hindi toh corny noh. Tsaka, tigilan niyo na nga sila."

Sabi ko sabay abot ng lahat ng nakuha kong libro kila Erika. Muntik pa yung maihulog ni Daniele.

"Tss. Seriously? Binully ka ng mga yan diba? Kung ano-anong tsismis pa kinalat ng mga yan sayo, hindi ka man lang ba gaganti?"

Seryoso akong tumingin kay Daniele.

"Hindi lahat ng gumawagawa ng masama, kailangang gantihan. Yung iba, kabutihan lang ang kailangan."

Sabi ko. Nagkamot lang siya ng ulo tsaka ibinagsak sa lapag ang mga libro.

"Edi ikaw na! Psh. Akala ko pa naman makakanuod ako ng live show. Tss. Badtrip."

Hayy naku. Kahit kailan talaga tong si Daniele. Sumunod sa kanya sa labas si Ryan na hindi man lang tumitingin sa daan at patuloy pa ring nagbabasa.

"Makaalis na nga rin. Baka kung ano na ang ginagawa ng Andrew na yun sa kapatid ko."

Lumabas na rin si Sebastian. Dun ko lang napansin na nakaluhod pa rin pala ang mga Campus Princesses.

"Oh. Ano pang ginagawa niyo diyan? Tumayo na kayo. Wala na sila oh."

Nanatili pa rin silang nakaluhod at nakayuko.

"Sorry sa lahat ng ginawa namin Saphie."

Sabay-sabay nilang sabi. Napangiti na lang ako.

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon