Maaaring malakas nga siya, pero tao lang siya at may kahinaan.
-----------------------------------------------------
Chapter 46
Saphie's POV
"Ano guys? Gusto niyo bang sa DGU na kayong lahat ihatid or sa mga mismong bahay niyo na?"
Tanong ko sa kanila habang isinasakay pa ng mga staff dito ang mga gamit namin. Uuwi na kasi kami. May pasok na sa Monday.
"Sa DGU na lang, Saphie. Dun ko kasi iniwan yung sasakyan ko eh."
Sabi ni Andrew. Sumang-ayon naman sa kanya lahat dahil nandun pala ang mga kotse nila.
"Kuya, sa may DGU po tapos sa may condominium. After po nun, sa mansion po tayo."
"Mansion?"
Napalingon ako kay Daniele tsaka nag-nod.
"Bakit hindi ka sa condo uuwi?"
Nanahimik silang lahat at napatingin samin ni Daniele.
"Uhmm..a-ano kasi. Bibisitahin ko lang yung bahay. Tsaka, ipapa-check ko kasi yung unit ko para ma-repair ang dapat i-repair."
Tinignan niya lang ako ng parang di naniniwala. Hayy, naku. Bakit ba ayaw niyang maniwala na hindi na ako galit sa kanya?
"Oh, ano yan? Sumakay na kaya kayo dito. Pagkatapos niyong magharutan kanina mag-aaway na naman kayo."
Nanlaki ang mata ko tsaka napalingon kila Sebastian na nakasakay na pala sa van. Tumingin ulit ako sa nasa harap ko pero ni hindi ko matignan ang mga mata niya. Kaasar naman si Sebastian eh! Harutan talaga?
Pakiramdam ko lalong namula ang mga pisnge ko nang makita ko ang smirk ni Daniele. Grabe! Nakakahiya!
--Flashback--
"Teka, umuulan ba?"
Nagtatakang tanong ni Sebastian tsaka niya tinaas ang kamay niya para siguro maramdaman niya kung may pumapatak nga bang ulan.
"Naulan nga!"
Nagsiahunan sila sa pool pero naiwan ako.
"Tara! Mag-lunch na lang tayo!"
Sigaw ni Emily. Nagsitakbuhan na sila kaya umahon na din ako.
"Hoy!"
Napatingin ako sa pool.
"Oh. Ano lang ginagawa mo diyan? Ahon na!"
Sabi ko sa kanya tsaka ko inilagay ang towel ko sa ulo ko para hindi ako mabasa.
"Iahon mo ko! Di ako makaakyat!"
Tinaas pa niya ang dalawa niyang kamay na parang isang batang nagpapabuhat sa mommy niya. Mukha siyang basang sisiw!
"Umahon ka na nga diyan, Mr. De Guzman! Kapag ikaw nagkasakit, hindi na kita aalagaan!"
Sigaw ko sa kanya.
"Kapag ako nagkasakit, ikaw pa rin ang mag-aalaga sa akin Ms. Elenda kaya kung ako sayo, tulungan mo kong umahon para hindi ako magkasakit!"
I rolled my eyes tsaka ako lumapit sa may gilid ng pool. Hinawakan niya ang isa kong kamay habang yung isa naman niyang kamay nasa bakal. Aarrgghh! Ang bigat niya! Bumitaw ako sa may bakal at hinawakan ko ang isa niyang kamay na nakahawak na sa isa ko pang kamay. Nagpapabigat ba talaga ang lalaking 'toh?!
BINABASA MO ANG
Ms. Disaster and Mr. Troublemaker
Teen FictionKapag ang isang babae na puro disaster ang dala at ang isang lalake na puro gulo lang ang alam nagsama, ano kaya ang mangyayari? Ano pa? Edi isang malaking kaguluhan! Pero paano kung ang isa sa kanila ay mainlove sa isa? Hindi ba mas magulo yun? Ano...
