The Confession

2.2K 91 0
                                    

Masakit malamang may iba siyang mahal pero iba pa rin yung sakit kapag sa kanya mo mismo nalaman.

-----------------------------------------------------

Chapter 51

Saphie's POV

Ang ingay!

Yung totoo? Paano nila napapayag ang school na sa Bar mag-Christmas party?! Like, seriously?

Sabagay, andito nga naman ang kaisa-isang De Guzman. Psh.

"Oh come on, Saphie! Enjoy the party!"

Ngumiti na lang ako kay Erika na nakasalubong ko sa makipot na daang ito. Puro kasi mga nagsasayaw na ang mga tao. Ang ingay ng musika. Madilim tapos parang merong disco light na nagpapasakit lang sa mga mata ko. Amoy na amoy ang alak.

Now tell me? Hindi ba talaga ito mukhang bar?

Oh-kay. Nandito kami ngayon sa isa sa mga bahay ng classmate ko. I don't know how pero yun nga. Napapayag nila ang mga teachers na dito imbes na sa school ganapin ang Christmas party ng 4th year. I guess hindi nila alam na ganitong party ang gagawin ng mga estudyante.

Oo nga pala. Successful ang mini concert. Pinagsama-sama ng tatlong sections ng 4th year ang mga kita mula sa booths para magkaroon kami ng ganitong klaseng party.

"Saphie! Over here!"

Hinanap ko ang boses na iyon ni Andrew and there. Sa isang sofa sila nakaupo sa may bandang corner.

"Akala namin kung saan ka na napunta eh."

Natatawang sabi ni Sebastian. Aba! Ang mga loko! Nag-iinom na!

"Ano? Nakahanap ka ba?"

Tanong ni Emily. Umiinom din siya pero light lang daw yun. May magaan bang alak? Ay, ewan! Wala akong alam diyan!

"Wala nga eh. Di man lang ba sumagi sa isip nila na may estudyanteng hindi umiinom ng alak dito?"

Sabi ko sabay pout. Kasi naman! Sino ba ang nag-organize nito?!

"Hi guys!"

Tumingin ako sa ibang direksyon tsaka umirap. Kainis! Sana kasi di na lang pinagsama-sama ang mga sections!

"Oh, Sharmaine. Andito ka na pala."

Sabi naman ni Sebastian. Pasimple kong tinignan si Daniele. Kulang na lang matunaw yung hawak niyang baso. Doon lang siya nakatingin na parang sobrang lalim ng iniisip.

"Kanina pa! So busy lang talaga kaya hindi ko kayo agad napuntahan. I'm one of the organizers. So how's the party?"

"It's not good."

Napatingin naman silang lahat sakin. Why? Pwes, kung nage-enjoy sila ako hindi!

"Why? Everyone's enjoying the party!"

Lasing na ba itong si Sharmaine? Parang ewan. Yung damit parang kinapos sa tela.

"I'm not a party girl. Tsaka wala man lang ba kayong juice?"

"Sure! Kukuhanan na lang kita."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at sinundan ko pa talaga siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa dami ng tao.

Bakit ang bait nun?

---
Sharmaine's POV

"Tadhana nga naman. Palaging umaayon sa gusto ko."

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon