Hello World!
@dainey29erica thanks for adding my story to your reading list!
-----------------------------------------------
Chapter 14
Saphie's POV
"Miss me, Princess?"
Oh. My.
"Ikaw nga?"
Sabi ko habang tinutusok-tusok ko ang mukha niya.
"Yap. The one and only. So, do you miss me?"
"Hindi!"
Sabi ko sabay kuha ng bag ko sa upuan. Aalis na sana ako kung hindi lang ako nadapa dito sa likod ng shelf! Arrgghh. Kainis!
"Aww."
Bulong ko sa sarili ko habang hinihilot-hilot ko yung tuhod ko.
"Wala pa ring pinagbago. 4th year na tapos clumsy pa din? Tsk."
Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko siyang nakasandal sa kabilang shelf habang naka-cross arms pa. At naka smirk pa! Epal talaga.
"Tse!"
Sabi ko sabay tayo.
"Hindi mo man lang ba ako na-miss?"
"Never. Hindi. Alam mo sa totoo lang? Ayaw kitang makita."
Sabi ko habang pinapagpagan yung pantalon ko.
"Weh? Samantalang dati isang sulyap mo lang sakin tuwang-tuwa ka na."
"Huh? Assuming. Pinaglihi ka sa kayabangan noh?"
Sabi ko with mataray voice.
"Hayy naku. Lumalabas na naman yang katarayan mo. Mas cute ka pa naman sana pagnaka-ngiti ka."
Seryoso niyang sabi. Napa-straight tuloy ako ng tayo at medyo kumunot ang noo ko.
"Joke lang! Kilig ka noh?"
"Tse! Bakit ka ba kasi nanadito ha? Bawal ang mga panget na outsider dito!"
"Oo nga. Eh kaya lang pogi ako eh."
"Aarrgghh. Napaka talaga."
"Bakit hindi ba totoo? Kaya mo nga ako naging crush dati eh."
Crush lang naman eh! Tsaka dati yun. Hindi na ngayon!
"Dati yun, okay? Hindi na ngayon kaya wag kang assuming."
"Edi inamin mo din. At bakit hindi mo na ko crush? Eh wala namang pogi dito kundi ako lang."
"Napaka yabang mo rin eh noh? Kailan pa naging pogi ang lalaking may pimples?"
Sabi ko sabay tulak sa noo niya gamit ng isa kong daliri.
"Aray ko naman. Tsaka pimples? Wala kaya! At kung pwede wag mo ngang hinahawakan ang pogi kong mukha. Ang dumi-dumi pa naman ng kamay mo."
"Ano?! Eh ikaw kaya! Bat ka ba kasi nandito ha?"
"May hinahanap lang ako. Tsaka may pass ako, oh."
Sabi niya habang pinapakita niya pa yung pass niya.
"Fine. Sino ba hinahanap mo? Baka sakaling kilala ko."
"Wag na. Baka mamaya isipin nun girlfriend kita."
"Hoy! Makapagsalita toh akala mo kapanget-panget ko. For your information, ayaw din kitang maging boyfriend!"
BINABASA MO ANG
Ms. Disaster and Mr. Troublemaker
Teen FictionKapag ang isang babae na puro disaster ang dala at ang isang lalake na puro gulo lang ang alam nagsama, ano kaya ang mangyayari? Ano pa? Edi isang malaking kaguluhan! Pero paano kung ang isa sa kanila ay mainlove sa isa? Hindi ba mas magulo yun? Ano...
