Akala niyo nakalimutan ko yung about sa library accident noh?
Di kaya! Hahaha
--------------------------------------------------------------
Chapter 6
Saphie's POV
"Sure ka bang pwede na talaga tayong mag-usap in public?"
Tanong ni Emily sakin for the nth time.
"Oo nga. Bakit? Ginugulo ka pa ba nila? Sabihin mo lang at uupakan ko."
"Hindi naman. Hindi lang ako sanay."
"Okay lang yan. Hindi ka na nila mabu-bully. Promise."
"Okay."
"O pano? Alis na ko. Baka madagdagan pa yung punishment ko eh."
Yes. Arrghhhh! Nakakainis kasi tong si Daniele eh! Kung di niya ko ginulo sa library last friday edi sana hindi ko kailangang linisin ang buong library kasama siya. What a beautiful Monday! Tsss.
---
"Dahil nakatayo na ang mga shelf na binagsak niyo, ibabalik niyo na lang ang mga libro in their right place. And after that, you will sweep the floor. Pupunasan niyo rin ang mga table at chairs. When you're done, go to my office. Is that clear?"
Sabi sakin ni Ms. Fei, guidance counselor.
"Yes Ma'am."
Sagot ko naman. Ako lang mag-isa dito sa library at wala ang manok. Aba! Hindi pa ata ako tutulungan.
"Sorry Ma'am! Na-late!"
Whoo! Akala ko ako lang mag-isa ang magliligpit ng lahat ng toh eh.
"Good. I thought tatakasan mo ang responsibility mo eh. Just finish your work, okay?"
Umalis na rin si Ms. Fei at nagsimula na kong mamulot ng mga libro. Talagang hindi toh niligpit ng mga staff, noh? Lupet naman.
"Kung nakipagusap kasi ng maayos edi hindi sana ganito."
Aba! At nagparinig pa talaga!
"Eh kasi kung hindi pinipilit yung gusto niya edi sana may hawak akong ice-cream ngayon."
Sabi ko naman. May plano kasi kami ni Emily na pumunta ng 7/11 pero hindi natuloy dahil sa punishment na toh.
"Ano bang problema mo ha?"
Siya pa talaga may ganang mainis! Gaya niya, tumayo rin ako mula sa pagkakayuko ko.
"Eh ikaw anong problema mo?"
"Ikaw! Napaka-clumsy mo kasi eh! Disaster!"
"Ako pa ha? Puro na lang kasi gulo yang alam mo! Trouble Maker!"
"Eh ni hindi mo pa nga ako nakikitang makipag-away eh!"
"Bakit hindi pa ba gulo toh? Kung ayaw mong maglinis, edi sabihin mo sa Nanay mo! Kayo naman may-ari nito diba?"
"Edi lalo akong napagalitan! Bakit ba kasi hindi mo na lang ako sundin?"
"Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan ko pang magpanggap na girlfriend mo. And who says na susunod ako sayo? In your dreams!"
"Eh ano ba naman kasing masama dun ha?"
"Anong masama? Gagamitin mo ko para lang makapaghigante ka!"
BINABASA MO ANG
Ms. Disaster and Mr. Troublemaker
Teen FictionKapag ang isang babae na puro disaster ang dala at ang isang lalake na puro gulo lang ang alam nagsama, ano kaya ang mangyayari? Ano pa? Edi isang malaking kaguluhan! Pero paano kung ang isa sa kanila ay mainlove sa isa? Hindi ba mas magulo yun? Ano...
