Hindi kasi lahat ng joke, nakakatuwa.
-------------------------------------------
Chapter 23
Saphie's POV
Myghad! Last day na ng exam pero stress pa rin ako. Sobra-sobra naman kasi ang pag-aaral ko kagabi eh. Ayan tuloy. Napuyat ako at late na nagising. Kainis! Nagmamadali tuloy ako ngayon.
Tandaan: lahat ng sobra, nakakasama. Kahit ang pag-aaral.
Pero dahil gusto ko ng mag-pee, dumaan muna ako sa C.R.
"Oh look who's here."
Kahit nakatalikod sakin si Erika, kitang-kita ko ang pag-irap niya sakin sa salamin. Akalain mo nga namang siya pa ang sasalubong sakin pagkalabas ko ng cubicle? Kainis. Hindi ko na siya pinansin at pumwesto na ko sa kabilang dulo na sink para maghugas ng kamay.
"What are you doing here? Magre-retouch ka ba?"
Inilagay niya ang make-up niya sa bag niya at ako naman, pinunasan ko na ang kamay ko gamit ng panyo ko.
"Ay, oo nga pala. Hindi nagre-retouch ang mga panget."
Calm down, Saphie. Calm down. Aalis na sana ako pero muntik na kong matalisod kaya tumawa ng malakas ang bruhang nasa likod ko na ngayon.
"Ha-ha! Panget na nga, lampa pa. Wow. Full package. Just a waste."
Nauna na siya sakin at tinabig niya pa ang balikat ko.
"Kaysa naman sa mukha mong puno ng harina."
Bulong ko pagkalabas ko.
"What did you say? Are you saying na panget din ako ha?"
Halata mo ang inis sa tono niya.
"Hindi ako nagsabi niyan."
Pa-inosente kong sabi sa medyo pang-asar kong tono.
"Huh. Look at this, girl."
Biglang dumaan ang isang lalaki na agad siyang nilapitan at niyakap. Nakita kong hinila niya ang mukha ng lalaki kaya umiwas ako ng tingin sa kanila. Shocks. Ang inosente kong utak!
"Did you saw that? Yan ang nagagawa ng mga magaganda."
Mataray niyang sabi. Lumingon ako sa kabilang hallway at nakita ko yung lalaki na hinalikan niya ata na may ka-flirt ng iba.
"Uy siya yun diba?"
Narinig kong bulong ng babaeng dumaan sa kasama niyang babae habang nakatingin sakin.
"Oo nga! Idol ko talaga siya. Nakita ko talaga nung binuhusan ni Daniele ng juice yung babae dahil kung ano-ano sinasabi tungkol sa kanya but guess what? Tinulungan niya pa. Ang bait niya talaga."
Malayo na yung mga babae kaya hindi na namin sila marinig. Tinaasan lang ako ng kilay ni Erika. Ngumiti naman ako ng matamis sa kanya.
"Mas maganda yung babaeng simple lang pero marami ang humahanga, kesa sa babaeng todo paganda para mapansin ng iba pero hindi naman nirerespeto ng tama."
"Really?"
Sarcastic niyang sabi. Lumingon ako dun sa lalaki kanina at hanggang ngayon eh nandun pa rin sila nung babae. Napatingin din dun si Erika at halatang nagulat siya.
"Oh. My. Gosh. What is he doing with her?"
"Girl, pipili ka kasi ng matinong boyfriend. Hindi yung sweet sa harap mo tapos sweet din sa harap ng iba."
BINABASA MO ANG
Ms. Disaster and Mr. Troublemaker
Teen FictionKapag ang isang babae na puro disaster ang dala at ang isang lalake na puro gulo lang ang alam nagsama, ano kaya ang mangyayari? Ano pa? Edi isang malaking kaguluhan! Pero paano kung ang isa sa kanila ay mainlove sa isa? Hindi ba mas magulo yun? Ano...
