Pocket Books

2.1K 77 0
                                        

Hindi mo pwedeng husgahan ang isang tao sa hilig niyang gawin. Dahil sa likod ng bawat bagay ay may nakatagong kwento.

------------------------------------------------------

Chapter 36

Saphie's POV

Ilang araw na rin ang lumipas. Nakalaya na rin si Prince. Inurong na kasi nila Emily yung kaso dahil ayaw nila na makarating pa sa mga magulang nila yung nangyari. Nagpaliwanag na rin si Prince. Nadala lang siya ng galit at alak nang gabi na yun. Tapos naimpluwensiyahan pa siya ng mga nakilala niya na mga gangster pala.

"Exam na naman bukas!"

Sigaw ni Andrew. Napangiti ako. Normal na nga. May exam na eh.

"Nubayan! Pambihira! Exam agad?!"

And that's Sebastian. Presenting, ang mga taong hindi matanggap na exam na ulit bukas. Ha-ha!

"Kukunin ko na lang yung-"

"Anong kukunin mo?!"

Putol ko sa sasabihin ni Daniele. Nasa tabi ko kasi siya at kasalukuyan ng pinapatay ng masama kong tingin. Itinaas naman niya ang mga kamay niya na para bang sumusuko.

"Wala! Sabi ko, ang kukunin ko yung..uhmm libro! Tama! Magre-review nga kasi ako!"

Tumango-tango ako.

"Good."

Sinilip ko si Ryan. Tahimik lang kasi siya. May binabasa siya. Pocket book siguro. Well, wala naman masyadong nagbago. Medyo nakakailang lang pag kaming dalawa na lang ang natira.

"Class! Settle yourselves! Sisimulan na natin ang activity natin!"

May teacher na pala sa harap?

"Anong dala mo?"

Tanong ko kay Emily. ESP class kasi. Parang show and tell. Pang bata noh? Ewan ko ba. Sabi ng teacher ko para daw mas makilala namin ang isa't isa.

"Math book na lang. Nawala kasi sa isip ko na magdala."

Tumango-tango ako. Hindi kasi toh basta show and tell. Ipapakita mo sa klase ang isang bagay na magpapakita kung ano ka.

"Okay, let's start. Sebastian, ikaw na ang mauna."

Nag-dribble pa si Sebastian tsaka niya inihagis ang dala niyang bola na nasalo naman ng teacher ko. Tumawa lang siya tsaka kinuha yung bola.

"Obvious naman na bola toh. Bola kasi parang ako toh. Minsan nakaka-shoot, minsan sablay. Ang mahalaga tuloy pa rin ang laro, walang half-time."

Biglang tumayo si Daniele.

"Hoy! Anong shoot yan?!"

Tapos nagtawanan yung mga lalaki. Okay. Di ko gets.

"Quiet! Ikaw naman, Saphie."

Tumayo na ko dala ang SLR kong camera. Hindi man halata pero mahilig akong mag-picture. Ha-ha!

"Uhmm..camera kasi my goal in life is to get the best moments in my life. Captured the good one and retake the bad ones."

Nakangiting paliwanag ko sa kanilang lahat. Natahimik naman sila.

"Nosebleed!"

Sigaw ni Sebastian kaya nagtawanan yung iba ko pang mga kaklase.

"Girlfriend ko yan!"

Napayuko ako sa sinigaw ni Daniele. Bumalik na agad ako sa upuan ko. Shocks! Kinikilig ako!

"Uuyy, kinikilig siya! Ito naman, joke lang!"

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon