The Troublemaker's Jealous Face

2.7K 87 0
                                        

Kapag lalaki ang nagselos, cute. Pag babae ang nagselos, nakakata-cute.

------------------------------------------------------

Chapter 48

Saphie's POV

Nandito kami ngayon ni Ryan sa may elevator. Sabi niya kanina sa kotse, may alam na siyang OPM. Mahilig pala siya sa mga lumang kanta, akalain mo yun? Tahimik kami pero hindi naman awkward. Pinauna niya kong lumabas sa elevator tapos ay tumigil kami sa isang pintuan. Hindi ko naman sinasadyang makita yung code niya. Hindi niya kaya tinakpan!

"Pasok ka. Pasensya na kung hindi masyadong malinis."

Nakangiti niyang sabi. Pumasok ako and woah!

"Wow ha! Ano bang malinis sayo? Eh kung hindi ko lang kilala ang may-ari nito iisipin kong babae ang nakatira rito."

As in! Black and white pero super linis! Amoy lalake pero hindi masakit sa ilong. Naka-ayos talaga yung mga furnitures at wala man lang akong makitang ni isang alikabok.

"He-he. Upo ka. What do you want? Juice? Coffee? Or softdrinks?"

"A juice will do."

Nakangiti kong sabi. Pumasok siya sa isang pintuan na kitchen niya ata kaya umupo ako sa may sofa. Nakakatuwa kasi yung TV niya bukod sa may mga CD ng mga games which is natural na siguro sa mga lalake ay may naka-display rin na mga pocket books. May ilan ding picture frames. May isang frame na sa tingin ko ay family picture ata nila. May isang babae at isang lalake na nasa 30's na siguro. Natawa ako nang makita ang batang lalake. Ang cute ni Ryan nung bata! May katabi siyang mas maliit na bata. Super innocent ng mukha niya. Ang ganda pala ng little sis ni Ryan.

"Here."

Ipinatong niya yung juice sa lamesa. Napansin niya ata yung tinitignan kong frame dahil bigla siyang nagsalita.

"Ang ganda ng kapatid ko noh? Tapos sila Daddy't Mommy bagay na bagay talaga sa isa't isa."

Napatingin ako sa kanya at ang lungkot ng mukha niya.

"Sorry. Napaalala ko pa."

"No, it's okay. Kaya ko nga yan nilagay diyan eh. Para maalala ko sila. Para maalala kong napaka-swerte ko dahil tatlo ang guardian angel ko sa langit."

Natawa na lang ako sa kanya. Bigla naman niya kong hinila patayo at inilapit sa isa sa mga frame. May isang couple dun tapos isang lalake. I think this is Ryan.

"Yan si Uncle George at Aunt Cecille. Simula nang mawala sila Mommy sila na ang nag-alaga sakin. Wala silang anak kaya binuhos nila ang lahat ng atensyon nila sakin. Ang swerte ko nga kasi kahit gusto kong maging independent at kahit parang lumalayo ako sa kanila hindi sila nagalit. Hindi rin sila tulad ng iba na pera lang ang habol sakin. May sarili silang kompanya pero pinapalago pa rin nila ang company namin para daw sa future ko."

"You're very lucky to have them."

"Hayy, tama na nga ang drama. I'll just get my guitar. Wait for me here."

Tapos ay pumasok na siya sa isang kwarto kaya umupo na ulit ako sa sofa at uminom ng juice. Nakita kong medyo nakauwang yung pintuan niya kaya natatanaw ko yung nasa loob. Wait, drums ba yun?

Maya-maya lang ay lumabas na siya dala ang kulay black niyang gitara at isang pirasong papel.

"Drums ba yung nasa kwarto mo?"

Tanong ko sa kanya. Umupo naman siya sa tapat ko tsaka nag-nod.

"Yes. Meron din akong piano, flute and beatbox. Meron din akong saxophone."

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon