2nd Day First Quarrel

3K 103 3
                                    

Wala. Speechless.

--------------------------------------------------------

Chapter 9

Emily's POV

Nandito na ako ngayon sa room kahit super aga pa. Ano na kayang nangyare kay Saphie? Na kuwento niya kasi yung nangyare sa kanya kahapon. After lunch kasi bigla na lang kaming pinatawag ni daddy. Akala ko naman kung anong emergency yun pala gusto lang niya na ma-meet kami ng long lost bestfriend niya at maglunch with their family. Teka, asan na ba yung si Saphie? Ikukwento ko pa kasi sa kanya kung gaano nakaka-arrggh! Ewan. Inis na inis lang talaga ako dun sa anak nung kaibigan ni Daddy.

Bigla na lang tumunog ang ringtone ng phone ko. Sino kaya nag-text?

From: Saphie

Masama pakiramdam ko. I don't know kung makakapasok ako. In case na hindi, just tell our teachers na may sakit ako kaya ako absent ha? Thanks.

Kahit text lang alam ko na matamlay na ang best friend ko. And I know kung bakit siya may sakit. Nakuwento niya sakin kagabi yung ginawa sa kanya ni Erika pati na rin yung hindi pagtulong sa kanya ni Daniele. Sa haba nga ng kuwento niya hindi ko na nakuwento yung akin eh.

"Oh. Asan na si Ms. Disaster?"

Speaking of the not-so-good-boyfriend.

"Wala eh."

Mahina kong sabi. Ewan ko ba pero medyo mahiyain kasi ako...yun ay kung di tayo close. Hahaha.

"Bakit daw? Kailangan niyang pumasok ngayon. Hindi pwedeng hindi. Lagot talaga sakin ang babaeng yun."

Ano daw? Siya pa talaga ang may ganang sabihin yan? Eh wala namang nakukuhang kahit na ano dito si Saphie ah? Tapos siya pa may ganang magsalita ng ganyan!

"Sorry ha. Pero di mo ba alam na ikaw ang dahilan kung bakit nagkasakit si Saphie? Nakita mo na ngang basang-basa siya kahapon tapos hindi mo pa pinaheram ng damit."

Kalmado pero mahahalata mo ang pagkainis sa boses ko.

"Per-"

"At wag mong sabihing hindi ikaw ang may kasalanan. Ikaw din naman kasi ang dahilan kung bakit siya ginanon nila Erika. Hindi rin sapat na dahilan ang wala kang damit. Diba may personalized na damit ang school? Anytime pwede kang kumuha nun sa office pero di mo ginawa. Bakit? Dahil ba sa tinatamad ka? Tapos simpleng hiling lang niya na utusan mo yung isa nating classmate na makipagpalit muna ng upuan sa kanya dahil alam niyang walang magagawa yung student at yung teacher kung hindi umoo pag ikaw ang nagsabi. Kailangan niyang lumipat para hindi siya masyadong malamigan pero hindi mo pa rin ginawa."

"Can you just please shut up your mouth? Hindi porket kinausap ka na ulit ng Kuya mo eh pwede mo na akong kausapin ng ganyan. Make a distance. Tsaka hindi naman talaga ako ang may kasalanan eh. Bakit? Ako ba yung tatang*a-tang*ng nabuhusan ng tubig?"

T-tama siya. Wala pa rin akong karapatang kausapin siya ng ganun. Pano pagnagsumbong siya kay Kuya? Baka hindi na ko pansinin ni Kuya. Hindi pwede. Pero mali naman talaga yung ginawa niya kay Saphie. Diba bilang bestfriend dapat kong ipagtanggol si Saphie? Tutal siya naman ang dahilan kung bakit ako masaya eh. Kinausap niya si Kuya and I owe her a lot. Pero bakit natatakot na kong makipagsagutan dito? Hindi ko man lang siya maipagtanggol!

"Ano? Na-pipe ka na diyan?"

"Anong nangyayari?"

"K-kuya?"

Tumalikod ako and there he is. Please Daniele wag mong sabihin kay Kuya!

"Pagsabihan mo yang kapatid mo ha. Kung makaasta feeling close eh."

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon