Officially yours

3K 86 1
                                    

Teens, wag kayong gagaya sa kanila. Nagbo-boyfriend ng di alam ng magulang? Tsk, tsk.

Ha-ha! Peace yow! Pero totoo yun, okay? Have a nice day!

------------------------------------------------

Chapter 15

Saphie's POV

"Tapos yun nga! Anong gagawin ko Emily?"

Sabi ko sabay yugyog kay Emily. Kakatapos ko lang ikuwento sa kanya ang lahat. Nandito kami sa classroom namin at kami pa lang ang tao dito.

"Then choose. Eh teka, ano ba yung condition?"

"Ano...mahirap eh."

Susme! Eh nababaliw na ata ang Prince na yun. Sa lahat ng conditions yun pa!

"Ano?"

"Nalaman niya kasi na magkakilala kami ni Sharmaine kaya ayun...ilakad ko daw siya dun."

"What?"

"Nililigawan niya si Sharmaine. Ewan ko ba. May feeling din ako na si Sharmaine ang nagsabi ng about samin ni Daniele."

"Anong about satin?"

"Ay manok na naka t-shirt! Wag ka ngang basta-bastang nanggugulat."

Bigla na lang sumulpot ang Gang from nowhere.

"So ano nga yung sinasabi mo?"

Sabi ni Daniele sabay upo sa upuan niya. Medyo sumandal ako para malapit sa kanya. Naka-harap kasi ako kay Emily kanina.

"About sa fake relationship natin."

Bulong ko. Bigla siyang tumayo at hinila ang braso ko.

"Ang mga ganyang bagay, hindi dapat dito pinag-uusapan. Matuto nga kayong mag-ingat. Tara na."

Hinila na niya ako kaya napatayo na ko.

"Aww! Saglit lang naman!"

Sabi ko. Ang higpit kasi ng pagkakahawak niya tapos ang bilis pa niyang maglakad. Ilang bes tuloy akong nabunggo sa mga upuan.

"Ay ang sweet!"

"Myghad! I'm gonna die!"

"Wala na talaga, girls. Wala ng pag-asa. Uwe!"

Sabi ng ilang girls na nakasalubong namin. Ngumiti na lang ako para di obvious na napipilitan lang ako. Huminto kami sa may tapat ng parang bodega. Malayo toh sa main building. Parang medyo tago.

Pumasok na kami. Nakalimutan ko bang banggitin kung ano toh? Saglit akong binitawan ni Daniele. Itinulak niya papunta sa gilid ang isang cabinet. At doon ay nakita ko ang pintuang tatlo ata ang lock. Binuksan niya yun at pumasok na kami pati sila Emily na nakasunod na rin pala samin.

"Sit. May problema ba tayo?"

Tanong ni Daniele. Umupo muna ako sa couch. Yap. Nasa hide-out nila kami.

"Si ano kasi. Si Prince."

"Who's that pokemon? I mean, who's that guy?"

Sabi ni Sebastian sabay upo sa tabi ko. Si Daniele nasa tabi ko lang din habang si Ryan nasa kabilang sofa na single at si Emily naman naka-upo sa isa pang upuan.

"Si Prince, ex bestfriend ko siya. Sa ibang school siya nag-aaral and his real name is Christopher V. Reyes. Bumisita siya dito dahil may hinahanap daw siya. And then..."

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon