The Prom Night

1.8K 73 0
                                        

Tama na. Ang lahat ng sakit, hanggang dito na lang. Something must come to its end.

------------------------------------------------------

Chapter 56

Saphie's POV

"What is this, Kuya?! Hindi pa ako ikakasal!"

Nakakaloka talaga! Anong ginagawa ng napakadaming tao rito sa bahay?! Okay, sige. Maybe they're only 15 pero naman! Make up artist, hair dresser, at sari-sari pang eklabu! It's only my prom, not my wedding!

|Saphie! First time mong pumunta sa Prom kaya ganyan. Isa pa, Dad is the one who sent them. Do you want to talk to him about them?|

Ayoko. Sigurado akong pipilitin ako ni Daddy na hayaan lang sila rito. Tuwang-tuwa kasi siya nang sabihin kong pupunta ako sa Prom. Akala niya siguro okay na ako at hindi na nasasaktan.

Akala niya lang yun.

"Okay, fine! They'll stay! As if namang may magagawa ako."

I heard Kuya's chuckle from the other line. Alam niyang hindi ko matatanggihan si Daddy ngayon lalo na't may kasalanan pa ako sa kanya.

|Tsaka di mo ba alam? Yannie personally chose all of those gowns. Kaya be beautiful, okay? And! She demands a whole body picture.|

"Ewan ko sa inyo, Kuya. Mababaliw na ata ako sa inyo."

|Ha-ha! Okay, okay. I have to go. Enjoy your night. I love you.|

"I love you, too. Ang panget mo."

After kong ibaba yung phone ay agad na akong nilapitan ng bakla. Pinaupo niya ako sa upuan ko. Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto. Lahat sila abalang-abala tapos may ilang set pa ako ng mga gowns na nakikita.

"Girl, ang pretty mo naman. Bet ko 'tong hair mo. Ano bang gusto mong ayos? Maganda kung katerno ng gown mo para pak na pak!"

Ngumiti lang ako sa kumausap sakin tsaka tinignan ang mga gown.

"Hindi po kasi ako magaling sa ganyan pero gusto ko po yung gown na simple lang at komportableng suotin."

"Ay! Bet na bet na talaga kita, girl! Sige, kami na ang bahala sa get-up mo."

Ngumiti lang ulit ako sa kanya habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag-uusap nila at parang excited na excited sila sa kung anomang ipapasuot sa akin. Maya-maya ay may humawak na sa buhok ko. Tapos ay may biglang lumapit sakin na bakla rin at kumuha ng make-up. Sinimulan na niya akong lagyan ng foundation.

"Uhmm..p-pwede po bang light make-up lang? Hindi po kasi ako sanay."

Saglit niya akong tinignan tsaka ngumiti ng matamis.

"Sure, girl. Mas bagay nga sayo yun para makita ang natural beauty mo. May iba ka pang request, beh?"

Nag-isip ako ng mabuti. Pilit akong ngumiti sa kanya tsaka nagsalita.

"May waterproof make-up po kayo?"

---

"Oh my gosh, mga sis! We did it! Lalong gumanda si Ateng!"

"Ghad. Bagay sa kanya yung gown! Nati-tibo tuloy ako!"

"Sira ka! Bakla ka 'teh. Bawal magkagusto sa kapwa dyosa!"

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon