Who's Saphie's knight in shining armor?
-----------------------------------------------------
Chapter 29
Erika's POV
"I hate her! I hate her! I hate her!"
Kanina pa nagwawala dito sa club room si Sharmaine. I just rolled my eyes. Hayy, naku. Mabuti na lang talaga at hindi ako na-in love sa Daniele na yun. Nakakabaliw pala.
"Aaaarrggh!"
Hinagis ni Sharmain ang bag ni Mae na galing pang Europe.
"Oh my gosh! My bag!"
Agad itong pinulot ni Mae.
"I hate that girl!"
Tumayo na ko sa kinauupuan ko.
"You know what? Inii-stress mo ang sarili mo because of nothing."
I said while crossing my arms. Bigla niya akong tinignan ng masama. Napaatras ako nang umabante siya sakin. Her eyes. Nakakatakot.
"This is not nothing, Erika. This is important for me. And don't act as if you know everything!"
Hindi ko alam pero natatakot na ko sa kanya.
"Okay. Calm down, Sharmaine. I'm sorry."
"Sorry? I need a solution not a sorry! Ano na? Ano na ang ginagawa ng Campus Princesses? Asan na ang pagpapahirap na dapat ay noon pa ginawa ng Daniele Angels sa Saphie na yun? Wala! Bakit nga ba ako umaasa sa mga losers?!"
Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko. I love popularity. I love my club. I love my friends. And don't you dare insult them.
"Huh. Us? Paano namin siya papahirapan kung wala naman kaming makitang dahilan para pahirapan siya? Matatalino ang Campus Princesses at hangga't wala silang nakikitang butas kay Saphie, wala silang gagawing masama dito. Kasalanan ba namin kung matatalino ang members ng club ko?"
"This is my club. And I'll do everything I want to do with it. Akala ko ba, matatalino ang members ng CP? Nasaan ang utak mo? Nasa paa? Use it! Gumawa ka ng paraan! Kung kailangan mong magsinungaling, go! Magsinungaling ka! All I want is to watch Saphie leaving Daniele with tears falling on her eyes. Understand?!"
I smirked.
"Kung makapagsalita ka parang may ginagawa ka. This is all in your favor pero sa ating lahat ikaw ang walang ginagawa!"
"How dare you?! Tell me, hindi mo ba ako kailangan ha? Hindi mo ba kailangan ng protection na meron ako ha? And don't ever say to my face na wala akong ginagawa. O baka gusto mong ikaw ang magtiis sa lalaking hindi mo naman gusto?"
"If it's Christopher, can I volunteer?"
Ngiting-ngiting sabi ni Sheila. Sharmaine moves her eyes heavenward.
"Shut up. Do something Erika. Prove to me that you're worth it."
Padabog niyang isinara ang pintuan. Yes. I'll prove to her. I'm worth it. For the fame, for her help, for being her bestfriend.
"Aarrgh. I can't understand why we're doing this for her. Just for protection? Like duh? We can have it by ourselves. Dahil sa kanya kaya nagagalit sakin ang prinsipe ko."
Mae said. Hindi na lingid sa kaalaman namin ang ilang taon niyang pagkabaliw kay Ryan.
"Oh no. Mae, don't ever say that. I'm scared. What if marinig yan ni Sharmaine? My gosh. I can't imagine what she can do to you."
BINABASA MO ANG
Ms. Disaster and Mr. Troublemaker
Teen FictionKapag ang isang babae na puro disaster ang dala at ang isang lalake na puro gulo lang ang alam nagsama, ano kaya ang mangyayari? Ano pa? Edi isang malaking kaguluhan! Pero paano kung ang isa sa kanila ay mainlove sa isa? Hindi ba mas magulo yun? Ano...
