Let's end this

2K 73 1
                                        

Realizations.

---------------------------------------------------

Chapter 31

Daniele's POV

"F*ck...sh*t...f*ck....sh*t..."

Hindi ako mapakali at palakad-lakad lang ako dito sa may hallway ng ospital. Ano ba tong ginawa ko?!

"Aish. Calm down. Dito ka nga! Nahihilo na ko sayo eh!

Tinignan ko ng masama si Sebastian na naka-sandal sa may pader.

"How can I? Ikaw? Hindi ka ba nag-aalala sa kapatid mo ha?"

Iritado kong sabi. Eh sa nag-aalala ako eh! Bakit ba kasi hindi ko siya nagawang iligtas? Bakit hindi ko siya napigilan? Bakit hindi ko siya sinundan?

"Kanina, oo. Pero ngayon na okay na siya, hindi na masyado. Isa pa, kasama na niya si Andrew kaya there's nothing to worry about."

Nakalagay pa yung dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng uniform niya.

Pero hindi pa rin ako mapakali. Hindi ko alam pero nag-aalala ako. Sobrang nag-aalala ako. What if may nangyaring masama sa kanya? Muntik na siyang mapahamak at wala man lang akong nagawa. And I can't understand this feeling. Yung pakiramdam na, naiinis ako. Naiinis ako, kasi hindi ako yung nagligtas sa kanya. Naiinis ako kasi tumunganga lang ako. Ako dapat yun diba? Ako dapat ang nagligtas sa kanya at hindi si Ryan.

"Daniele, just calm down. You're overreacting. Wala ng masamang mangyayari kay Saphie. Nilalagay na nga siya sa regular room diba? Wala siya sa E.R. para mag-alala ka ng ganyan."

Tinignan ko lang ulit siya ng masama tsaka napatingin sa may kanan ko. Palapit na siya samin.

"Ry! Okay ka na?"

Tanong sa kanya ni Sebastian. Tumango lang siya. Gasgas lang naman ang nakuha niya. May band aid din siya sa pisnge. Naiyukom ko ang kamay ko. Ako dapat ang meron niyan. Ako dapat.

"Kamusta siya?"

Tanong ni Ryan nang makalapit siya sa amin. Yumuko lang ako.

"Okay na siya. Ikaw? Nakapagpa-check up ka na ba? Teka, andun pa ba sila Emily?"

Si Sebastian ang sumagot sa kanya.

"Oo. Andun pa sila."

"Tsk. Baka kung ano na ang ginagawa nila dun ah. Pag talaga may nangyari sa kapatid ko la-"

Naputol ang sasabihin ni Sebastian ng may lumapit sa amin na isang babaeng sa tingin ko ay doktor.

"Relatives po kayo ni Ms. Elenda?"

"Friends."

Sagot ni Ryan.

"Boyfriend."

Madiin kong sabi. Ngumiti lang ang babae tsaka kami hinatid sa isang kwarto. In-explain niya samin ang nangyari kay Sapphie. Wala naman daw masamang nangyari sa kanya. Na-suffocate lang siya dahil sa usok kaya siya nahimatay. Kapag okay daw ang resulta ng mga test pwede na siyang umuwi in this day.

"Sapphie!"

Agad namang sinuntok ni Ryan ng mahina sa tiyan si Sebastian pagpasok namin sa kwarto.

"Bakit?!"

"Tumahimik ka nga. Hindi mo ba nakikitang natutulog siya?"

"Oo na."

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon