The Reason

2.4K 86 1
                                    

Ano ba talaga ang ginawa ni Sharmaine at galit na galit sa kanya si Daniele?

Bakit iniwan ni Sharmaine si Daniele?

At bakit bumalik si Sharmaine?

Be curious! Buwahaha!

------------------------------------------

Chapter 20

Saphie's POV

Oh-kay. Ang tahimik ng room ah. Wala pa sigurong tao.

"Oh. Eh may tao na pala eh. Tahimik niyo ata?"

Bungad ko sa kanila pagdating ko sa room. Andito na si Emily pati na ang Gang.

"Hello! Andiyan ba kayo o hologram lang tong nakikita ko?"

Aba! Bakit hindi sila sumasagot? Umupo na ko sa upuan ko.

"Emily? May problema ba?"

Yung mukha kasi ni Emily eh. Ngayon ko lang nakita ang walang buhay niyang expression.

Umiling lang siya sakin.

"May problema ba?"

Pilit siyang ngumiti pero obvious naman na fake lang yun. Bigla ko siyang niyakap na ikinagulat niya.

"I know you're not okay. Kung may problema pwede mong sabihin sakin. Pero kung hindi ka pa ready, okay lang."

Sabi ko pagkaharap ko siya. Ngumiti siya. This time totoo na.

Bigla akong napatingin sa may pintuan. Naka-yukong naglalakad si Andrew. Aba. Malungkot din?

"Sebastian!"

Bigla na lang tumayo si Sebastian sabay suntok kay Andrew pagpasok pa lang nito ng kwarto. Sabay-sabay kaming napatakbo sa direksyon nila.

"F*ck! Ang kapal ng mukha mo! Nagpakita ka pa talaga samin ah?!"

Ano bang problema ni Sebastian?! Nakahiga na ngayon si Andrew sa sahig, si Emily nasa tabi ko at malapit ng maiyak, yung dalawa naman nasa likod lang ng galit na galit na si Sebastian at wala man lang silang ginagawa.

"Ano bang problema mo ha?!"

Mukhang galit na rin si Andrew na nakahiga pa rin sa sahig.

"Ikaw! Ano?! Masaya ka na ba ha?!"

"Sa tingin mo ba masaya ako ha?! Eto ba ang mukhang masaya?!"

"Bakit ba kasi mukha kayong pera?! Sa lahat pa ng pagdidiskitahan niyo, kapatid ko pa!"

"Bakit?! Mukha bang gusto ko toh?! Akala ko kayang tumanggi ni Emily kaya noon pa lang sinigurado ko ng hindi niya ko magugustuhan! Pero wala!"

"Ano?!"

Lahat kami walang nagawa kundi ang manood nang yumuko si Sebastian at hinila ang kwelyo ni Andrew.

"Alam mong may arrange marriage na magaganap at wala ka man lang ginawa?! Hindi mo man lang sinabi samin!"

"Arrange marriage?!"

Hindi ko na napigilang magsalita. Kaya ba nitong mga nakaraang araw sobrang lungkot ni Andrew? Kaya ba tumigil na siya sa pang-aasar kay Emily? Kaya ba hindi maipinta ang mga mukha nila kanina? Dahil dun?

"Hindi ko kasalanan!"

Biglang sigaw ni Andrew sabay tabig sa kamay ni Sebastian. Tumayo muna siya tsaka galit na tinignan si Sebastian.

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon