The Consequences

2K 82 7
                                    

Kapag ang puso palaging nasasaktan, kusa na itong nagsasara.

{A/N: Please play any dramatic song while reading this chapter. Damhin niyo 'toh guys! Haha!}
--------------------------------------------------------

Chapter 59

Saphie's POV

Sobrang. Sakit.

Ang sakit ng buo kong katawan. May hiwa ata ako sa labi at pakiramdam ko ay tinahi nila iyon. May benda rin ang kamay ko. Kumikirot ang mga binti't braso ko na para bang napakadaming sugat at pasa ang natamo ko.

At masakit din ang puso ko.

Hindi pa rin mawala sa isip ko na hindi ako ang pinili niya. Alam ko..h-hindi niya ako mahal pero sana naman inisip niya na mas mahalaga pa rin ang isang buhay sa isang dinner lang.

Pero sino nga ba naman ako?

Wala lang ako sa kanya. Wala lang.

"Saphie? You're awake!"

Biglang bumangon si Ryan sa pagkakahiga niya sa couch at agad niya akong nilapitan.

"Are you okay? May nararamdaman ka bang masakit? Wait, do you want to eat? Sh*t! Wait, wait. I'll-"

Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Hinila ko kasi ang kamay niya bago pa siya tumalikod at lumabas tsaka ko siya niyakap. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Ryan..Ryan t-thank you so much."

Pagod na ang mga mata ko pero hindi pa rin ito nagsasawa sa pagluha. Nang maramdaman niya ang pag-iyak ko ay niyakap na rin niya ako.

Kung wala doon si Ryan, hindi ko alam kung anong mangyayari sakin. Kung wala siya doon, malamang wala na rin ako ngayon.

Kumawala siya sa pagkakayakap ko sa kanya tsaka niya inilagay ang palad niya sa pisnge ko at pinunasan ang mga luha ko.

"I'm sorry."

Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit? Bakit siya nagso-sorry? Bakit nangingilid ang luha niya?

Pero bago ko pa siya matanong ay may dahan-dahang nagbukas ng pintuan na nakakuha ng atensyon namin.

Kuya..

Para siyang pagod na pagod. He looks..devastated. Nang makita niya ako ay biglang pumatak ang luha niya at agad siyang tumakbo sa direksyon ko at agad niya akong niyakap.

"Oh my God! Thank you! Thank you! I'm sorry. I'm sorry kung wala rito si Kuya noong mga panahong kailangan mo siya. Please, Saphie. Forgive me. I love you. I love you."

"K-kuya.."

"I love you. Hindi ko alam.. Hindi ko alam ang gagawin ko kung pati ikaw mawawala sakin."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Kuya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya umiiyak. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagso-sorry. Ako dapat ang gumawa nun diba?

Nang kumalas siya sa yakap niya sakin ay isang tanong lang ang lumabas sa bibig ko.

"Where's Dad?"

Pareho silang napatigil ni Ryan. Napaiwas ng tingin si Ryan at nakita ko ang pagyukom ng kamao niya. Si Kuya naman napatingin sa gilid niya. Inilagay niya ang kamay niya sa bibig niya na para bang pinipigilan niyang umiyak.

Ayoko ng reaksyon nila. Parang may hindi tama.

Hinawakan ko ang damit ni Kuya at bahagya itong hinila kaya napatingin siya sakin.

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon