Just an option

1.7K 74 2
                                        

There are persons who don't know our worth. They just take us for granted. Treat us as an option.

----------------------------------------------------------

Chapter 53

Saphie's POV

Pagkahatid niya kay Sharmaine ay agad na siyang naglakad palapit sa amin. But his smile fades away when he saw me.

"Andito ka na pala? Late na. Pumasok na tayo."

Nauna na siyang pumasok. Why is he so cold? Siya pa ba ang may ganang magalit? Ako dapat diba?

"Hayaan mo na. Baka tinopak. Alam mo naman yun minsan daig pa ang babae sa mood swings."

Natatawang sabi ni Sebastian sabay tapik sa balikat ko. Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya tapos ay pumasok na kami sa room.

---

Buong araw kaming di nag-uusap. Hindi namin nakasama ang Gang sa lunch dahil inasikaso na nila ang Try out para sa basketball dahil malapit na ang Municipal Meet. Para akong lantang gulay buong maghapon. Pakiramdam ko ako yung may kasalanan. Kaya heto ako ngayon at hinahanap siya. Ayoko siyang mawala sakin kahit na alam kong iba ang mahal niya. Ito na ata yung tinatawag nilang Martyr syndrome.

"Daniele.."

Nakasalubong ko siya sa hallway pero nilagpasan niya lang ako kaya tumalikod ako para harapin ang likod niya. Hinawakan ko ang kamay niya para patigilin  siya sa paglalakad.

"Daniele please. Mag-usap tayo."

"Next time na lang. Madami pa akong inaasikaso."

Cold niyang sabi tsaka tinanggal ang kamay ko. Gusto kong maiyak pero ayokong ipakita sa kanya na nasasaktan na ako. Pumasok ako sa comfort room tsaka hinilamusan ang mukha ko. Hinayaan kong tumulo ang luha ko habang tuloy-tuloy ang paghihilamos ko. May ilang naglalabas-pasok sa CR pero walang nakakahalata sa pag-iyak ko dahil akala nila ay naghihilamos lamang ako.

"Oh. Saphie? Nandito ka pala?"

Gusto ko siyang sagutin ng 'hindi. Picture ko lang 'toh' pero pinigilan ko ang sarili ko. Kinuha ko na lang ang panyo ko at nagpunas ng mukha ko. Aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"Balita ko nagkakalabuan na daw kayo ni Daniele? Good for him. Mukhang malapit na siyang makawala sayo."

I closed my hands into fists.

"Kawawa ka naman. Mawawalan ka na ng Daniele. Wala ng magkakamaling magkagusto sayo. Alam mo kung ilang lalaki ang magkakagusto sa isang disaster na katulad mo? Itlog. Zero. Kawawa ka naman."

Ayoko na! Di ko na kaya! Humarap na ako sa kanya. Sino siya para pagsabihan  ako ng ganyan? Bakit ba masyado niyang pinapamukha sakin na siya, siya minsan siyang nagustuhan ng isang Daniele De Guzman samantalang ako ni minsan ay hindi minahal?

"Gusto mo ng itlog? Kung gusto mo ibato ko na lang sa mukha mo nang direkta nang maluto tutal may mantika na naman diyan sa mukha mong mukhang kaldero."

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil hindi agad siya nakapag-react. Wag mong gagalitin ang isang Sandara Angel Phia I. Elenda. Hindi mo alam kung paano siya magalit.

"So you're saying that I have an oily face? How dare you?! At marunong ka ng sumagot ngayon? Bakit? Sa tingin mo ipagtatanggol ka pa ni Daniele ha?"

"Bakit hindi ba? I'm his girlfriend kaya ipagtatanggol niya ko."

Ngumisi naman siya nang parang di makapaniwala. Kahit ako di makapaniwala sa sinabi ko. Ipagtatanggol niya kaya ako?

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon