Movie Date

2K 100 10
                                        

Stop overthinking. Just go with the flow.

--------------------------------------------------

Chapter 37

Saphie's POV

Ano ba yan! Ngayon pa nasira yung heater ko sa banyo. Tinatamad kasi akong mag-aral para sa last day ng exam bukas so I decided to take a shower first. Tapos sira naman pala yung heater eh ang lamig kaya ng tubig!

Pinatay ko na yung kalan at hinawakan yung teapot or also called as takore. Sorry naman. Hindi ako sanay sa mga gamit pangkusina noh.

Napatigil ako sa may living room. Nagkalat ang mga libro ko sa may center table. I prefer studying there kaysa sa kwarto ko. Aantukin lang ako dun eh. Napatingin naman ako sa TV. Hayy. Ano ba yan? Kung hindi corruption, poverty naman ang balita. O kaya accidents. Wala bang good news diyan?

"Ay shocks!"

Natatapon na pala sa sahig yung tubig. Ano ba naman yan Saphie! Dumiretso na ko sa banyo. Buti na lang may timba dito for emergency. Binuhos ko na dun yung tubig para medyo uminit.

"Aarrgghh!"

Bigla kong nabitawan yung teapot. Sino yun? Sound proof ang unit ko so that means..shocks! May nakapasok sa unit ko! Agad akong pumunta sa labas.

"Shocks. Akala ko pa naman kung sino! Pano ka nakapasok dito?"

At bakit naka-upo sa lapag si Daniele habang hawak yung paa niya na naka-medyas pa?

"Try mo kayang i-lock yung pinto? Tsaka bakit ba may mainit na tubig dito? Napaso tuloy ako. B*wisit."

"Wow ha. Pasok ka kasi ng pasok. Ayan tuloy ang napala mo."

"Can you just help me here?"

I rolled my eyes. Inalalayan ko siyang tumayo tsaka ko siya inupo sa upuan. Kinuha ko ang medicine kit tsaka ako nag-indian seat sa tapat niya.

"Akin na paa mo."

Nilapit niya sakin yung napaso niyang paa. Hinubad ko yung medyas niya.

"Eeww! Ang baho!"

"Hoy! Mas mabango pa yan sayo noh! Oh yan, amuyin mo!"

Tinaas niya pa yung paa niya para maging ka level ng ilong ko. Agad ko yung binaba tsaka tinakpan ang ilong ko.

"Ano ba?! Ang bastos mo!"

"Ang bastos nakahubad! Gusto mo makita?"

Napatingin ako sa kanya.

"Wag na. Since kinder puro stick figure na lang ang nakikita ko."

Pang-aasar ko sa kanya. Ha! Ano ka ngayon?

"Anong stick figure? Bilangin mo pa abs ko!"

Sa gulat ko hinawakan ko agad ang t-shirt niya at hinila pababa. Ano? Dito siya sa harap ko maghuhubad? Ay susmiyo!

"Oo na! Oo na! Naniniwala na ko! Umayos ka na lang ng malagyan ko na ng ointment tong paso mo!"

Tumawa pa! Kaasar!

"Bakit nga pala naka-medyas ka pa?"

Tanong ko.

"Wala lang. Feel ko lang."

Tumango na lang ako. Bigla kong napansin yung mga libro na nasa lapag habang nilalagyan ko siya ng ointment.

"Bakit may dala kang mga libro?"

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon