Jealous girlfriend

2.2K 75 6
                                    

Masakit ang makita ang mahal mong sumama sa iba pero mas masakit yung hindi mo siya mapigilan dahil wala ka namang karapatan.

---------------------------

Chapter 44

Saphie's POV

"Okay na ba lahat yan?"

Tinignan ko si Daniele ng nagtataka. Nandito kami sa may elevator pababa sa may parking ng condominium. Kami muna yung sinundo tapos tsaka kami pupunta sa DGU para sunduin yung iba. Ang pinagtataka ko lang, kanina pa ko tinatanong ni Daniele kung wala daw ba kong nakalimutan. Bakit ba unli 'toh?

"Okay na and for the nth time, wala po akong nakalimutan."

Tinignan niya lang ako.

"Sure ka?"

"Oo nga! Ang kulit mo! Kung anoman yang nakain mo, wag na wag mo na ulit kakainin ha."

Tumingin siya sakin tapos sa backpack ko tsaka siya ulit tumingin sakin.

"Sigurado ka bang yan lang talaga? 3 days tayo dun, baka nakakalimutan mo."

I rolled my eyes. Ang kulit!

"Eto na nga po yun. Nagpabili na ko ng pagkain natin sa sasakyan sa driver kaya wala na kong ibang dala kundi itong gamit ko lang. Ikaw din naman ah? Tignan mo nga yang dala mo, isang backpack lang din."

Lumabas na kami sa elevator at dito pa lang ay natatanaw ko na yung van. Nakasandal dun yung driver namin.

"Iba naman kasi ako sayo. Lalaki ako, babae ka."

Tinignan ko ulit siya habang naglalakad kami palapit sa van.

"Oh. Eh anong meron dun?"

"Hayy naku! Wag na nga! Hindi lang ako makapaniwala na babae ka tapos yan lang ang dala mo for three days!"

Umiling na lang ako hanggang sa makarating kami sa may van.

"Good morning po Ma'am Saphie. Good morning po Sir."

Bati niya sa amin. Kinuha niya yung bag ko pero nag-insists ako na ako na lang ang maglalagay sa van.

"Kuya, alam niyo naman po yung DGU diba?"

Tanong ko sa kanya.

"Yes, Ma'am. Ako na po ang bahala."

Ngumiti ako sa kanya tapos ay sumakay na ko sa van. Dun ako sa pinaka dulo umupo at tumabi naman sakin si Daniele. Ilang minutes lang ay nakarating na rin kami sa DGU. Nandun na silang lahat. Tinulungan nung driver namin si Sharmaine na isakay yung gamit niya. Siya lang kasi ang naka maleta tapos lahat ng boys naka backpack na. Si Emily naman naka backpack tapos mayroon pa siyang isang bag.

"Yan ang sinasabi ko sayo."

Bulong ni Daniele sabay turo sa maleta ni Sharmaine. Ngayon ko lang siya na-gets. Siguro akala niya porket babae madami na agad dala. Madami rin naman akong dala. Sadyang napagkasya ko lang sa isang backpack.

"In all fairness ha, ang tagal niyo."

Reklamo ni Sharmaine.

"Hindi kami matagal, excited ka lang talaga. Akalain mo yun? 5:30 ang call time, 4 am pa lang nandiyan ka na!"

Biro ni Sebastian.

"Whatever. Tabi tayo Daniele!"

Napatingin kaming lahat kay Daniele. Bigla siyang umakbay sakin.

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon