Unsure feeling

2K 65 3
                                    

Pinapahalagahan mo. Pinapahalagahan ka ba?

-----------------------------------------------------

Chapter 49

Saphie's POV

Grabe. Ang sakit ng ulo ko tapos inuubo pa ko. Feeling ko magkakasakit ako pero ayoko namang um-absent.

Last day na kasi ng exam ngayon tsaka nasabi sakin ni Daniele na hindi raw niya maintindihan yung isang lesson. Nag-aral kasi kami kagabi ng ibang subject kaya hindi namin yun naaral. Dapat maaga kaming makapasok para maturuan ko na siya.

|Magbo-book na ba ako ng flight for you, my Angel?|

Bumalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni Daddy.

"Why Dad? Kailangan ba talaga?"

|Not necessarily. Pero gustong makilala ng pamilya ni Yannie ang buong pamilya ng future son-in-law nila kaya mas maganda sana kung nandun ka sa Japan kasama namin on Christmas day. Para na rin magkakasama tayo."

Napabuntong-hininga na lang ako. I really don't want to leave kaya lang never ko pang na-experience ang Christmas without them.

"Ilang araw naman po tayo dun?"

|We'll just stay for a week but if you want, pwede ka ng bumalik diyan after Christmas.|

"Okay. That will be fine-"

Naputol ang sasabihin ko nang bigla akong maubo. Aarrghh. Ang kati sa lalamunan.

|My Angel, are you drinking your meds? Lumalala na ata yang ubo mo.|

"No, Dad. I'm okay. So, kayo na po ang bahala sa ticket ko ha?"

|Of course, anak. Wait, do you want to use our private plane? Para less hassle for you.|

"Sure, Dad. Anything you want will be fine. Sige na Dad. I already need to go. Mag-aaral pa kasi ako eh."

|Okay. Galingan mo ha? I love you. Take care always and drink your meds, okay?|

"Yes, Dad. I love you. Take care."

I ended the call after that at nagmadaling lumabas sa unit ko pero iba ang sumalubong sakin.

"Gusto ni Daniele na si Sebastian ang sumundo sayo but it will be easier kung ako na lang. Is it okay?"

Nag-nod ako kay Ryan. Pagkapasok namin sa elevator ay tsaka lang ako nagtanong sa kanya.

"Asan siya?"

"I don't know. This past few days, hindi niya ako masyadong kinakausap. Maybe Sebastian knows. We'll ask him later, okay?"

Nag-nod na lang ulit ako. Pagdating namin ay wala pa doon si Daniele. Nasaan kaya yun?

"Sorry Saphie pero hindi ko rin alam eh. Tinext niya lang kasi ako na sunduin ka. Siguradong patay ako dun pag nalamang si Ryan ang sumundo sayo. Wag mong sasabihin ah?"

"Oo naman. Thanks."

Bumalik na ko sa upuan ko. Kahit si Sebastian, hindi alam kung nasaan siya. Ilang minuto na lang, late na siya sa exam. Siguradong hindi pa yun nag-aaral after naming mag-aral kagabi. Tinakpan ko ng panyo ang bibig ko ng umubo na naman ako. Sumabay pa ang kirot ng ulo ko. Maalala ko pa kaya ang mga pinag-aralan ko?

---

"Grabe. Ang hirap ng Math! Aanhin ko ba yun kung magtsu-tsuper naman ako?!"

Natawa ako sa walang emosyong pagbatok ni Ryan kay Sebastian. Ha-ha! Ayan kasi eh!

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon