Normal ang matakot lalo na kung walang kasiguraduhan ang relasyon niyo.
-------------------------------------------------------
Chapter 50
Saphie's POV
Grabe. Kinakabahan ako. First day na ng school fest. Kakanta lang naman ako sa harap ng madaming tao. Nakakaloka.
Ilang araw din naman kaming nakapag-practice kaya lang kinakabahan pa rin ako. Paano kung atakihin ako bigla ng stage fright ko? Paano kung ako yung magpahiya sa buong Section A? Omayghad. Wag naman sana.
Ring! Ring!
Napatingin ako sa lamesa ko tsaka ko dinampot ang phone ko at nilagay sa tenga ko.
"Oh bakit, bestfriend? May problema ba?"
|Huh? Di kasi kita mahanap dito. Asan ka?|
Kumunot naman ang noo ko sa tanong ni Emily. Ang alam ko kasi, nasa school siya ngayon. Tumutulong siya sa pagset-up ng mini stage dahil siya ang tumatayong director ng mini concert namin. Medyo pahapon na pero nasa bahay lang ako. Pwede naman kasing wag pumunta eh. Pero bukod sa mga students ng DGU, pwede ring sumama sa School Fest ang mga outsiders. Pero visitors lang sila, hindi sila pwedeng magtayo ng sariling booth.
"Ha? Bakit mo naman ako hinahanap diyan eh diba nga mamaya pa ako pupunta?"
Sila rin kasi ang nagsabi na magpahinga daw muna ako dahil baka mapagod ng husto ang boses ko. Ako pa naman daw ang main vocalist. Mga baliw.
|Nasa bahay ka pa rin ba? Nandito na kasi si Daniele. Eh diba sabay kayong pupunta? Kaya akala ko nandito ka na, wala pa pala.|
What?
"Ha? Bakit nandiyan na yan? Napaka-early bird talaga niyan."
|Ha-ha! Oo nga eh. Good mood nga siya eh. Tinulungan pa kami kanina sa stage. Lights na lang tsaka fliers ang inaasikaso namin.|
"Ahh. Ganun ba? Eh nasaan na siya?"
|Si Daniele? Ewan. Andito lang yun kanina eh. Asan na nga ba?|
Bakit kaya nandun na agad yun?
"Uhmm..sige. Punta na kaya ako diyan? Dalhin ko na lang yung damit ko para diyan na ko magbihis tsaka para matulungan ko na rin kayo."
|Sige, if that's what you want. Tsaka para maayusan na rin kita. Nae-excite ako sa magiging itsura mo mamaya!|
Natawa na lang ako sa kanya and bid my goodbye. Mabuti pa maghanda na ko. Papahatid na lang ako dun kay Butler James. Pero bakit nga kaya ang aga nun?
---
Daniele's POV
"Wala na bang ibang problema? Itong mga upuan, okay na ba? Wala na bang kulang?"
Tanong ko sa isa sa mga classmates ko. Madami na ang mga nakatayong booths at mukhang kami lang ang hindi nagbukas noong umaga. Kailangan naming kumita ng malaki kung gusto naming magkaroon ng magandang Christmas Party.
"Oo, Daniele. Kumpleto na ang mga yan. Naka-ayos na nga rin yung mga barrier eh."
Para talagang itsurang mini concert yung ginawa naming set up. May maliit na stage tapos may mga upuan sa harap pero may space pa rin dahil dun sasayaw ang mga dancers dahil nga sa medyo maliit lang ang stage. Sine-set-up na rin nila doon yung mga instruments. Meron ding kurtina sa stage na pwedeng bumukas at sumara. May tent naman sa likod kung saan kami pwedeng magbihis o magpahinga. May naka-set-up na rin na lights at may mga harang pa sa gilid.
BINABASA MO ANG
Ms. Disaster and Mr. Troublemaker
Teen FictionKapag ang isang babae na puro disaster ang dala at ang isang lalake na puro gulo lang ang alam nagsama, ano kaya ang mangyayari? Ano pa? Edi isang malaking kaguluhan! Pero paano kung ang isa sa kanila ay mainlove sa isa? Hindi ba mas magulo yun? Ano...
