Kung di ka mahal ng taong mahal mo, wag mong ipagsiksikan ang sarili mo.
----------------------------------------------------
Chapter 55
Saphie's POV
"With an O to the M to the G! I can't believe it! Prom na sa Saturday!"
"Yap! Mismong Valentine's day pa! Oh my gosh!"
Tahimik lang kami ni Mae na nandito sa lamesa at pinapanuod yung dalawa na pag-usapan ang tungkol sa Prom. Hindi ako makapaniwala. February na agad.
"Hey! What color is your gown on Saturday?"
Nag-isip pa muna si Mae bago sumagot kay Erika. Mukhang hindi rin siya gaanong kainteresado sa Prom. Nag-iisip na nga ako kung a-attend pa ba ako o hindi.
"How about you, Saphie?"
Nagulat ako nang sa akin na sila nakatingin. A-Ako?
"A-ano...h-hindi ko kasi alam kung pupunta pa ako."
"Ano ka ba naman! Okay. Maybe you already experienced dancing like a princess in a Prom pero iba pa rin ngayon! We're already Seniors at last time na natin para ma-experience yun!"
Paano ko sasabihin kay Sheila na hindi rin ako umattend sa Prom namin last year?
"Eh kasi.."
"Uhmm..excuse me girls. Can I join you?"
Napatingala naman ako sa nagsalita.
"R-Ryan.."
Napatingin kaming lahat kay Mae. Nakuwento na nila sa akin na dati pa may gusto si Mae kay Ryan. Tahimik si Mae pero pagdating kay Ryan ay nagiging maingay siya. Pero napagod na raw siyang habulin si Ryan kaya nagmo-move on na siya.
"Thanks."
Umupo na agad siya sa tabi ko kahit wala pang sinasabi sina Erika.
"Why are you sitting here? Your friends are there. Why don't you join them?"
Ang cold ng pagkakatanong ni Mae kay Ryan. Hindi rin siya nakatingin dito kundi sa Spaghetti na nilalaro niya gamit ang tinidor.
"Ayoko dun."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinilip ko na ang lamesang pinanggalingan niya. Ang saya-saya naman nilang nagtatawanan. Ang sweet nila..
"H-huh?"
Nagulat ako nang hawakan ni Ryan ang pisnge ko at tsaka niya ako iniharap sa kanila.
"Don't look at them."
Napatungo na lang ako. Dati kasi ako yung kasama nila doon. Dati sa akin siya sweet lalo na pag madaming tao. Kahit kunyari lang ang lahat. Kahit..
"Oh, Saphie! Not that face, okay?"
Tumayo sina Erika at Sheila sa upuan nila tsaka sila pumunta sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Disaster and Mr. Troublemaker
Teen FictionKapag ang isang babae na puro disaster ang dala at ang isang lalake na puro gulo lang ang alam nagsama, ano kaya ang mangyayari? Ano pa? Edi isang malaking kaguluhan! Pero paano kung ang isa sa kanila ay mainlove sa isa? Hindi ba mas magulo yun? Ano...