The Disastrous Introduction

7.6K 161 2
                                    

Chapter 1

Saphie's POV

"Saphie! Saphie! Bilis pumunta ka rito!"

Siyaw ng isa sa mga kaklase ko. Arrgghhh. Ano bang meron? Tinanggal ko ang earphone na kanina pa nakapasok sa tenga ko tsaka lumapit sa kanya.

"Bakit ba?"

Iritado kong tanong sa kanya. Eh kasi naman, nanahimik yung tao sa isang sulok tapos bigla akong tatawagin.

Imbes na sumagot, tinaas baba niya lang ang kilay niya with matching laki ng mata. Siyempre nagtaka ako sa ginawa niya kaya sumilip na lang ako sa labas ng pinto ng classroom namin. Mga nagkalat na hugis pusong papel ang naabutan ko. Parang sinasabi ng mga yun na gawin ko silang gabay para makarating ako sa dapat kong puntahan. Sinundan ko ang mga yun hanggang sa makarating ako sa gym na malapit lang sa room namin.

Ayos na ayos ang lahat dito. May mga nakasabit na mga papel na hugis puso at may iba't iba pang kulay. Nagkalat din ang mga hugis pusong lobo sa paligid. May mesa na ring nakahanda para sa dalawa. May kandila pa dun at sari-saring tsubechengcheng eklabu. Yung tipong parang valentines day ngayon. Kakatapos pa lang ng summer ah!

"A-anong meron dito?"

Bulong ko na lang sa sarili ko. Ano ba kasi talagang nangyayari rito?

"Mabuti naman at nandito ka na."

Nakangiting sabi sa akin ng lalaking ubod ng pogi!

"H-ha?"

Sabi ko. Hindi siya familiar sakin at never ko pang nakita ang mukha na yun sa tanang buhay ko pero kung kausapin niya ko parang ang tagal na naming magkakilala.

"Alam ko hindi mo ako masyadong kilala. Well...I'm your secret admirer. Matagal na kong nagiipon ng lakas ng loob para sabihin ang nararamdaman ko sayo."

Ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Unti-unti siyang lumapit sa akin hanggang sa halos isang metro na lang ang pagitan namin sa isa't isa.

"Saphie..."

"Yes?"

Okay. Konti na lang makakalabas na yung puso ko sa katawan ko dahil sa sobrang kaba!

"Pwede ka bang tumabi?"

"H-ha?"

"Ang sabi ko kung pwede ka bang tumabi? Nakaharang ka kasi sa magandang view ng mahal ko eh."

Sabi niya sabay ngiti...sa ibang direksyon. Unti-unti akong umikot at nakita ko sa likod ko ang isang babaeng super ganda na sa mga drawing mo lang ata makikita. Tulad nung lalaki, punit mukha rin siya kung makangiti.

"Saphie!"

Sigaw na naman ng classmate kong hindi ko maaninag ang mukha.

"Ano bang ginagawa mo rito ha? Bigla ka na lang lumabas sa room nung hineheram ko yung phone mo. Di mo ba kaagad na gets yung gestures ko na ibig sabihin peram ng phone mo? Ayan tuloy nakasira ka pa sa super kilig moment nila."

Ha? Ibig sabihin...h-hindi para sa akin ang lahat ng ito? Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko na madaming estudyante ang nakatingin sa akin. Hindi malinaw ang mga mukha nila pero iisa lang ang ginagawa nila. Pinagtatawanan nila ako. Ang iba bumubulong pa habang natawa habang ang iba naman halos mapatay na sa kakahampas ang mga katabi nila sa sobrang tuwa.

So ano toh? Trip lang? Pakiramdam ko pinagkaisahan nila akong lahat. Pabagsak na ang luha ko dahil sa sobrang kahihiyan.

"Gumising ka na, Saphie!"

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon