Campus Princesses? I smell something fishey!
------------------------------------------------------
Chapter 25
Saphie's POV
Yan. Okay na. Siyempre, simpleng shirt at pants lang ang suot ko tapos flat shoes. Nandito pa nga pala ako sa mansyon. Nakatulog kasi ako sa sasakyan ni Daniele kagabi dahil sa pagod kaya ayun. Hindi ko nasabi sa kanya na sa condo na ko titira. Pero dun na ko uuwi mamaya.
Chineck ko na lang ang mga gamit ko habang hinihintay ko si Daniele nang may mapansin akong bagay. Umupo ako sa kama at pinagmasdan ko yun.
"Ano kayang naisipan nun at binigyan niya ko neto?"
Gold ang kulay ng pocket watch and roman numerals ang pinaka number niya. Simple lang pero ang ganda tignan.
"Ma'am?"
Pinagbuksan ko ng pinto si Manang.
"May lalaki po sa baba. Sundo niyo daw po."
Lalaki? Edi hindi kilala ni Manang? Sino kaya yun?
"Ahh. Sige, baba na po ako."
"Ano nga po palang gusto niyong hapunan?"
"Naku Manang, hindi na po ako dito uuwi mamaya."
"Ganun ba? Mas lalo ng lulungkot ang bahay."
Pinatong ko ang kamay ko sa balikat ni Manang.
"Wag po kayong mag-alala. Kapag may time, uuwi ako dito."
Naka-ngiti kong sabi. Nagpaalam na kami sa isa't isa tsaka ako lumabas ng mansyon.
"Ryan?"
Bakit siya ang sumundo sakin? Asan si Daniele?
"Uy, andiyan ka na pala."
Lumabas na ko ng gate at lumapit sa kanya.
"Kanina ka pa?"
"Di naman. Kakadating lang."
Ibinulsa na niya ang phone niya tsaka siya pumunta sa side ng shotgun seat. Binukas niya yun tsaka niya iminuwestra na dun ako sumakay.
"Thank you."
Nakangiti kong sabi sa kanya. Gentleman pala si Ryan? Ang tahimik niya kasi kaya di ko pa siya masyadong kilala.
"Pinasundo ka sakin ni Daniele."
Sabi niya pagka-sakay niya. Pinaandar na niya kaagad ang makina tsaka nagsimulang mag-drive.
"Bakit hindi siya ang sumundo sakin?"
Ang linaw-linaw kaya ng usapan na siya ang susundo. Psh.
"May gagawin eh. Daming pakulo ng lalaking yun. Gusto pa atang tumulad sa mga love story."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Ryan tsaka ako napatingin sa kanya.
"Love story?"
"Oo. Yung sa mga pocket books."
"Pfft! Seriously? Pocket books?"
Meron pa pala nun? Kahit sa daan siya naka-tingin ay kitang-kita ko ang pagiiba ng ekspresyon ng mukha niya. Bigla akong napalunok. May mali ba kong nasabi?
"Anong masama sa pocket books? May masama ba kung nagbabasa ako non?"
Matigas at cold ang pagkakasabi niya. Hala. Galit ata. Ano bang meron dun?
BINABASA MO ANG
Ms. Disaster and Mr. Troublemaker
Teen FictionKapag ang isang babae na puro disaster ang dala at ang isang lalake na puro gulo lang ang alam nagsama, ano kaya ang mangyayari? Ano pa? Edi isang malaking kaguluhan! Pero paano kung ang isa sa kanila ay mainlove sa isa? Hindi ba mas magulo yun? Ano...
