Hand Towel

1.9K 82 2
                                        

Minsan, hindi mo rin maiiwasang mapaisip. Ano ba ako sa kanya? Ano siya sa kanya?

-----------------------------------------------------

Chapter 38

Saphie's POV

"Hoy! Bilisan mo!"

"Eto na!"

Ang atat namang pumasok nun! Okay. One last look. Medyo inayos ko pa ang buhok ko at hinila pababa ng konti ang blouse ko para hindi masyadong magusot. Ayan. Okay na. Lumabas na ko ng unit ko,

"Naks! Nagiging babae na siya! Congrats!"

Bigla siyang nakipagshake hands sakin. Nauna na siyang maglakad. Yyiiiee! Napansin niya yung hair pin ko!

Sinundan ko na siya. As always, ako ang nagbukas ng pintuan ng kotse niya. Asa pang magiging gentleman yan!

Nai-imagine ko tuloy siya. What if one day, pagbuksan na niya ko ng pinto? Does it mean na..m-may gusto na rin siya sakin?! Okay, alam kong masamang mag-assume pero hello! Hindi niyo ba napapansin? Madalas naman in good terms kami. Minsan nga ang sweet pa niya. Hindi naman ako manhid noh. O sadyang binibigyan ko lang ang mga bagay-bagay ng malisya?

"Aray!"

Bigla siyang nag-preno kaya sumubsob ako sa harap. Ang sakit nun ah!

"Ano bang problema mo ha?!"

Iritado kong sabi sa kanya sabay himas ng noo ko. Ang sakit tuloy!

"Lutang ka kasi! Tinatanong ko kung anong sport ang pinasukan mo! Intrams na kasi sa isang araw."

Sinimulan na niyang mag-drive ulit. Oo nga pala. After ng exam, intrams naman. By year level ang labanan. At dahil fourth year kami, third year ang kalaban namin.

"Hoy! Ang sabi ko-"

"Oo! Narinig ko! Hindi mo na ko kailangang sigawan!"

Asar toh ah! Nung isang araw ang sweet tapos- aarrghh! Ang hirap maging assuming!

"Oh. Ano na?"

Tumingin ako sa kanya habang sa daan naman siya nakatingin.

"Seryoso ka ba diyan sa tanong mo? Gusto mo bang masira ang gym ng school kapag sumali ako sa kahit na anong sport?"

And as expected, tumawa siya. Yung tawang parang walang bukas. Yung tawang nagpapain-love sakin.

"Okay, okay sige. Whoo! Pinatawa mo ko!"

I rolled my eyes.

"Obvious nga. Kung makatawa ka akala mo last na tawa mo na yan."

"Pero seryoso, wala ka talagang sinalihan na kahit ano? Extra-curricular din yun."

"At kailan ka pa nagkaroon ng pakielam sa grades? Aray!"

Bigla niyang pinihit ang manubela pakanan kaya nauntog ako sa may salamin. Kaasar!

"Problema mo ha?! May plano ka pa bang dalin ako sa school ng buong-buo?!"

"Oo! Sagutin mo kasi ng matino yung tanong ko!"

"Fine! Sumali ako sa Scrabble."

Bigla siyang napahinto.

"Oh. Bat ka tumigil? Konting usod na lang naka-park ka na oh."

Sabi ko.

"Scrabble? Di nga? Anong kinalaman noon sa Intrams?"

"Hoy! Wag mong minamaliit yun noh."

Ms. Disaster and Mr. Troublemaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon